Chapter 3 | MOVE ON |

271 5 0
                                    

nasa may canteen palang kami andami na agad nag bubulungan.

"Look guys! sya lang naman ang nerd dito sa buong campus diba? So sya pala yung sinasabi ni Danica?"

"Ang lakas kasi ng loob mag day dream eh, ayan tuloy napahiya ka!"

"Panget naman pala kaya nireject agad ni mathew eh. Tsss."

"Cge, wag kayong tumigil dyan sa mga cnasabi nyo! Isa-isa kayong mawawala dito sa school na to!" agad namang nagsi alisan ang mga taong nagbubulungan kanina sa may canteen pag ka sabi ni bes nun. "Mga echossera tong mga to, PAKIALAMERA masyado! Pag ako nainis eh, tanggal kayo lahat!"

"Hoy bes! ayan ka nanaman eh! High blood masyado! HAHAHA' hindi bagay sayo, na panget ka! tsuu."

"luka ka! syempre acting lang yon para matakot sila. ang ingay kasi eh. nakakasira sila ng mood. Chos." naglakad na kami papuntang parking lot. nkasanayan na kasi naming laging magkasabay, eh tutal ayoko namang sumabay dun sa service ko si bes nalang ang laging naghahatid saken.

"So ano plano mo ngayon? kalat na kalat sa campus yun. hays sensya bes dapat kasi hindi ko na nabanggit yung prince eh."

"Ano ka ba bes, don't blame yourself. it's all my fault. masyado lang kasi talaga akong assumera. Wala na saken yun! ^____^" pero sobrang sakit parin saken. ayoko lang ipakita pa ulit sakanya kasi alam ko mag aalala pa sya.

"Sure ka ba dyan bes? Nag aalala kasi ako sayo eh. baka hindi ka parin ok? sabihin mo lang bes, nandito naman ako lagi eh, ^_____^" napaka swerto ko talaga dto sa bespren ko na to, maganda na mabait pa. :)

"Ayos lang talaga ako bes. ^__^ salamat bes ha?" napahaba na ata yung paguusap namin hindi ko kasi napansin na nandito na pala ko "oh sya bes nandito na pala, ingat ka sa paguwi ha! salamat sa pag hatid at pati naren sa pag comfort saken! da best ka tlga, muahh! babush!"

"Nako c bes talga oh! napaka drama mo, luka ka talaga! :P oh sige dyan kana may dadaanan pa ko eh. see you tomorrow my dear! ;) Byeee! muahpx." umalis na agad si bes sa village namin. baka importante masyado yung dadaanan nya. nagmamadali eh. makapasok na nga lang.

....

"Ayss, nakatulog pala ko, siguro kakaiyak. yup tama kayo iyak parin ako ng iyak nung pag pasok ko dito sa kwarto ko, wala eh hindi ko talaga makayanan, supeerr sakit palang ma reject ng taong matagal munang gusto" bigla nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko. "ano na kayang oras na?" tinignan ko agad yung oras sa cp ko "Nako! 8pm na pala hindi pa ko nakaka kain. tsk. makababa na nga muna nagugutom na din ako eh" mukha akong tanga eh, salita ako ng salita dito eh wala naman akong kausap. lewls.

(.....)

"Oh anak, bakit ngayon ka lang bumaba? kanina pa kita kinakatok sa kwarto mo eh, pero hindi ka naman sumasagot kaya nauna na kami ng kapatid mong kumain, kain kana dyan nak napag handa na kita."

"Naka tulog lang po ako, siguro po sa sobrang pagod ko" pag sisinungaling ko, hindi ko naman kasi masabi kay mom eh, alam kong magagalit lang sya. "Opo, cge po." nagsandok nako ng kain at ulam at saka kumain na.

"may problema ba nak? mukhang matamlay ka ata ah? hindi ako sanay ng ganyan ka anak." nahalata pala ni mom. pilitin ko mang maging masigla sa harap nya hindi ko kaya kasi nanlalambot talaga ako eh. gusto ko lang magkulong sa kwarto saka matulog.

"Ah, wala to mom. masama lang po ang pakiramdam ko." inayos ko na yung pinagkainan ko at hinugasan ko na yung mga plato at baso sa lababo.

"Are you sure anak? oh sya uminom ka ng gamot, mahirap na baka tumuloy pa yan." natapos na kong mag hugas. gusto ko na talagang tumaas at pumasok sa kwarto ko, pag kasi ganyan si mom napapaluha ako eh, hindi dahil sa sobra akong nasaktan kanina, nata touch kasi ako dahil nag a alala parin talaga sakin si mom.

"I'm okay mom, napagod lang po ako sa activity na ginawa namin kanina. cge po, akyat napo ako mom." humalik muna ako sa pisngi ni mom, saka tumaas para tuluyan na kong makapasok sa kwarto at matulog na.

NERDY turns to PRINCESS?Where stories live. Discover now