Nine Stars

912K 25.4K 9.4K
                                    

dedicated to Claire! I love you San goku <3

***

Nine Stars

by Alyloony


Sabi nila, pag nag bilang ka raw ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi, at sinabi mo ang wish mo sa huling araw, magkakatotoo raw ito. Sa totoo lang, hindi ako masyadong nagpapapaniwala sa mga kasabihan na yan. Naisip ko kalokohan lang yan! Paano naman madidiktahan ng pagbibilang ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi ang mga mangyayari sa buhay natin? Pero sabi nga nila, ang desperadong tao, kung ano-ano na ang pinaniniwalaan.

Hindi ko inakala na mahuhulog ang loob ko sa isang lalaki to the point na magiging desperado ako. Kaya ito ako ngayon, nagbibilang ng siyam na bituin sa loob ng siyam gabi. Wala naman mawawala kung susubukan ko 'di ba?

Tsaka malay natin, naka guhit pala sa mga bituin na yan ang kapalaran ko.

"One... two... three... four... five... six... seven... eight... nine..."

"Claire, anong ginagawa mo?"

Napatingin ako sa likod ko para tignan kung sino ang nagsalita. Nakatayo sa harap ko ay isang lalaking naka suot ng jacket at naka jogging pants habang may hawak hawak na tray.

"C-chim, ikaw pala!"

"Pwedeng maki-share ng table?"

"Sure!"

Inilapag niya yung tray na dala-dala niya at naupo siya sa tabi ko. Tinignan niya ako atsaka nginitian.

Eto na naman ang puso ko, halos matunaw ng dahil ngiti na yan.

Siya si Chim Rodriguez, ang dahilan nang pagbibilang ko ng siyam na bituin. Kaklase ko siya sa paaralan na pinapasukan ko ngayon. Yung town house na tinitirahan niya, malapit lang sa condominium na tinutuluyan ko. Sa gitna ng condo namin at town house nila, mayroong isang coffee shop. Naging routine ko na siguro na pagkakain nang hapunan, dumidiretso ako sa coffee shop na ito para uminom ng kape o ng hot chocolate habang gumagawa ng assignment. Kung wala naman akong assignment, nandun lang ako naka pwesto sa balcony at nagpapahangin, minsan naman nagbabasa ng libro.

Pero ngayon, naging perfect spot na rin ang coffee shop na ito sa pagbibilang ko ng siyam na bituin.

Katulad ko, madalas din pumunta si Chim sa coffee shop na ito kaya naman madalas ko siyang nakikita. Hindi naman talaga kami ganoong ka-close, eh. Pero nung minsang madaming customer sa coffee shop at wala siyang maupuan, tinanong niya kung pwede siyang maki-share sa akin ng table. Dahil kakilala ko naman siya, pumayag ako. Naalala ko yung gabing yun, habang busy siyang inumin yung kape na inorder niya at kainin yung cake niya, ako naman, busy sa pagbabasa ng libro.

"The fault in our stars?" tanong niya sa akin kaya naman napaangat ang ulo ko at napatingin sa kanya. "Nabasa ko na ang libro na 'yan. Maganda 'yan, sobra."

Nginitian ko siya, "oo nga eh, idol ko na si John Green nang dahil sa librong 'to. Actually, pangatlong beses ko nang binabasa 'to."

"Talaga? Hindi ka nagsasawa?"

"Hindi pinagsasawaan ang ganitong kagandang libro. Hanggang ngayon nga naiiyak pa rin ako rito, eh."

That night, hindi na ako nakapagbasa pa ng libro dahil nagkwentuhan na lang kami ni Chim doon. It turns out na ang dami pala naming common interest lalo na pagdating sa mga libro. Ang dami dami niyang i-kinuwento sa akin nung gabing yun at ako naman, napatitig na lang sa kanya.

Nine StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon