'Til Hell Freezes Over

11.1K 125 19
                                    

Finally1 Wala kasing kuryente bukas kaya pinush ko 'tong isang 'to. Enjoy!

Pagka-balik nila sa bahay ay agad ipinahilot ni Vice sa kanyang auntie ang paa ni Karylle habang inayos naman nya ang mga nagamit at natirang pagkain nila galing sa bukid.  Habang hinihilot ay nakipagchikahan si Karylle kay auntie..

Auntie: *smiling habang naghihilot*..

 

Karylle: Bakit po, auntie? Bigla na lang po kayong nangiti :)

 Auntie: Aaah wala naman.. ngayon ko lang kasi ulit nakita si Tutoy na sobrang masaya :) sa babae..

Karylle: *kunot noo* Ano po’ng ibig nyong sabihin auntie?

Auntie: Siguro mas mabuti kung kay Tutoy na lang manggaling..

Bigla namang dumating si uncle na may dala-dalang tungkod...

Uncle: Oh kamusta? Tapos na ba kayo? Aaah sya nga pala.. *abot ng tungkod kay K* pinaaabot ni Tutoy. ‘Yan daw muna gamitin mo.

Karylle: Salamat po, uncle. Asan nga po pala sya?

Uncle: Andyan sa sa harap. Namimitas ng bulaklak. Gusto mo samahan kita dun?

Karylle: Sige po. Auntie, salamat po sa hilot!  Naginhawaan po ang paa ko :)

Auntie: Walang anuman hija.. *smiles* Natutuwa talaga ako sa inyo ni Tutoy.. Sige puntahan nyo na sya :)

Karylle: Salamat po ulit auntie :))

Paglabas nila sa pinto ay agad nilang natanawan si Vice sa harap ng puno ng bougainvillea..

Karylle: *bitaw kay uncle* Aaah, uncle.. kaya ko na po.. salamat po sa paghatid :)

Uncle: Walang anuman, anak. Ihahanda na namin ang hapunan. Sumunod na lang kayo sa loob ni Tutoy, ha?

DESTINY (A ViceRylle Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon