Heart of a Child

1.8K 72 21
                                    








"She's back" walang emosyong sabi ni Toni sa kausap sa telepono.

[Sino?]

"My mom" sagot ni Toni at napabuntong hininga.

[Bakit parang hindi ka masaya? Akala ko ba gusto mo na siyang makita?]

"She has another daughter" malungkot na sagot ni Toni.

[May kapatid ka pala ee. Dapat masaya ka]

"Sarah! Narinig mo bang sinabi ko?" medyo napataas ang tono ng boses ni Toni. "May kapatid ako. Ibig sabihin, kaya niya kami iniwan ni Papa dahil may iba siyang lalaki. And that relationship's product was Nicole. She has another family na, bakit kailangan pa niyang bumalik?"

[Baka naman may explanation lahat ng nangyayare sa inyo. Antayin mo lang]

"10 years, Sarah. Almost 10 years na since that women left us!" pasigaw na sabi ni Toni.

[Alam mo, masyadong magulo ang isip mo ngayon. Kaya magpahinga ka na. Baka pagod lang yan. Malay mo tomorrow, ipaliwanag na sayo ng mommy mo lahat-lahat]

"Wala na akong panahon para sa paliwanag niya. I won't even listen to that woman. She's not my mom. I lost my mom when I was 10 years old" sabi ni Toni bago i-hang up ang phone.

Napainom naman si Toni ng tubig dahil sa mga alaalang pilit bumabalik sa kanya. Mga alaalang masasakit, alaala ng pag-iwan sa kanya ng isang babaeng minsang naging importante sa kanya.

"Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin?" malungkot na tanong ni Lea na kakapasok lang ng kitchen.

Imbes na sumagot ay inirapan lang ni Toni si Lea at naglakad na palabas ng kitchen.

Pinigilan siya ni Lea by grabbing her arm. "Answer me!" sigaw ni Lea.

Hinarap naman siya ni Toni. "Oo!" sigaw din pabalik ni Toni.

"Why?" malungkot at mahinang tanong ni Lea.

Napa-chuckle naman si Toni sarcastically. "Ang lakas naman ng loob mong magtanong kung bakit? Did you already forget what you did 10 years ago?"

Hindi naman nakasagot si Lea at napatingin na lang sa sahig.

"Sige, ipapaalala ko sayo!" panimula ni Toni. "You left the day before my 10th birthday! Ni hindi ka nagpaalam. I waited for you. I waited for you to show up on my birthday party. I waited for you before I blow my candles. Pero natapos na ang party ko, nagsialisan na ang mga bisita ko, nailigpit na lahat ng decorations, pero hindi ka pa rin dumating. I wasn't able to blow my birthday candles because I was waiting for you. Until dad told me to rest already. The next day, I was expecting that you would show up and say sorry for not being able to come to my party pero still wala ka pa rin. I waited for your phone call, your text message and even email, pero kahit isa wala akong natanggap. For the past 5 years, inaantay kita. Pero hindi ka dumating. Until mapagod na lang ako. I stopped waiting for you, I stopped hoping na babalik ka pa"

Toni wiped her tears before continuing her story. "Okay na sana ee. When Dad told me that you are coming home. Naexcite pa nga ako ee, kasi sabi ko sa sarili ko 'After 10 years babalikan pa rin pala ako ng mommy ko'. Pero kasing bilis ng excitement ko, bumalik yung galit ko sayo, yung inis ko sayo. When I saw your daughter na pumasok sa bahay namin with you. Biglang kong narealize na kaya mo siguro kami iniwan kasi may lalaki ka! May ibang kang mahal bukod kay Daddy. At yung batang kasama mo ang bunga ng kataksilan mo!"

Heart of a Child [ONE-SHOT][LEAGA]Where stories live. Discover now