Bye Bye Love

85.2K 1.2K 42
                                    

~~Bea's POV~~

"Uy, alam nyo ba ang balita? Aalis na daw si Lex!" sabi ni Mye amin.

Bigla akong napaunat mula sa pagkakaupo.  Hindi ko ipinahalatang apektado ako sa sinabi niya.

"Hindi nga? San mo naman nabalitaan yun?" tanong ni Sandra kay Mye.

"Kanino pa di sa pogi kong boyfriend. Nagpaalam na daw sa kanila kahapon," kwento nito habang ngumunguya ng potato chips.

 Nagulat ako ng kalabitin ako ni Sandra. Umungol lang ako.

"Ikaw Bea, wala ka bang alam tungkol dun?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Pag-angat ko ng ulo, nakatingin na pala silang lahat sa akin.

"At bakit naman ako ang tatanungin ninyo? Kaano ano ko ba yun?" sumimangot pa ako.

"Eh lagi mong kasama yun di ba?" tanong ni Ella sa akin.

"Tagal ko na kayang hindi nakikita yun." Yun ang totoo. After nya akong pahirapan ng isang linggo, wherein naging nanay nya ako, kusinera, nanny, teacher at kung anu ano pa, biglang hindi nagpakita sa akin ang loko.

'It hurts!' reklamo ng puso kong nalulumbay.  Akala ko pa naman kahit paano, may mangyayaring maganda sa aming dalawa.

"Tska the last thing I heard, dinedate niya si Karen Swynovski ngayon, eh nuknukan ng selosa yun,"  isa sa school sweet heart. Yun ang kalaban ni Bianca sa pagiging Queen Bee. Kulang na lang magsabunutan ang dalawa kapag nagkakaharap. "Ayokong mapasama sa awayan ng mga tigre ng school kaya iwas iwas," nginitian ko sila na mga napapatango tango.

Abala na ulit sila sa mga pinag-uusapan ng mag-vibrate ang phone ko. May nabasa akong SMS. Galing sa kurimaw na si Lex.

'Be at the fire exit by 5pm.  I'll tell you something' yun lang ang text.

Di ko nga nireplyan. Bahala siyang mag-antay no! May lakad kami ng ni Kuya Remi mamaya.

~~Lex POV~~

Irita na talaga ako. Kanina pa ako nag-aantay dito sa fire exit, wala pa din ang maldita. Sya lang ang paimportante sa akin ng ganito.

Napalingon ako ng may magbukas ng pinto. Sumungaw ang bansot na suplada. Isinarado niya ang pinto at humalukipkip.

"Ano ba yung sasabihin mo? Five minutes lang dahil ayaw ni Kuya Remi na mag-antay ng matagal."

Nakahinga ako ng maluwag ng dumating siya. Halatang galing sa pagtakbo dahil hinihingal pa siya.

"What now?"tanong nya ulit sa akin.

"I'm leaving," sagot ko.

"I know. I heard. What's the big fuss about it?" tila wala man lang pakialam sa akin.

"Ganun lang yun? Di ka ba malulungkot?" akala ko pa naman ay makikita ko na maiiyak sya sa lungkot dahil magkakahiwalay kami.

Umiling siya then she smiled. Ewan ko kung guniguni ko lang pero parang di umabot ang ngiting iyon sa mga mata niya.

"Kailan ka aalis? Babalik ka ba ulit? Ayan ha, interesado na ako," naupo sya sa tabi ko.

"Sa makalawa na ang alis namin. May party mamaya. Farewell party. Ummm.....ano," napalunok ako.

"Ano na?" inip na tanong niya.

"Ano, please come. Tutal, naging close din tayo kahit paano, I want you to come," at last nasabi ko na.

Mr. Nuknukan Trilogy (d' 1st) - Alexis (Published under Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon