Chapter 3

627 51 15
                                    

One o'clock in the afternoon at nasa loob na ng kanyang booth si Angela para sa radio program nitong Talk to Me.





Ito ang programa sa mga radyo na madalas pinapakinggan ng karamihan. Kilala si Angela bilang si Lady A; ang pinakamagaling na adviser sa balat ng radyo. Maganda kasi ang mga payong ibinabahagi niya sa kanyang mga tagapakinig. Hindi lamang siya nagbibigay ng payo, binibigyan din niya ng pagkakataong makapag-isip ang mga ito upang sila mismo ang makasagot ng kanilang mga problema.





"Magandang hapon po sa inyong lahat! Nandito na naman po ang inyong lingkod Lady A! Na handang makinig at magbigay ng kaunting payo man lang nang maibsan naman ang inyong mga nararamdaman." Bungad na pagbati niya sa kanyang mga tagapakinig. Bago pormal na sinimulan ang programa, isang awitin muna ang kanyang inihanda.



Pagkatapos ng kanta na pinamagatag "Mama" ng sikat na grupong spice girls, sinimulan na ni Angela na kausapin ang una niyang caller sa araw na iyon.




"Welcome back po sa ating programa na pinamagatang Talk to Me. May isa po tayong tagapakinig na itago na lamang natin sa pangalang Aileen. Ang kaniyang problema ay tungkol sa kaniyang kasintahan na niyaya umano siyang magsasama na sila. Sa lahat ng mga listeners natin diyan na gustong magbahagi ng kanilang pananaw tungkol sa problema ni Aileen. Hanapin lang po sa Facebook at mag-comment sa ang aming official fan page na Talk To Me.




Masasabing tanyag si Angela sa larangan ng pagbibigay ng payo sa kanyang mga tagapakinig. Lagi namang ganoon hindi ba? Magaling tayong magbigay ng payo ngunit pagdating sa mga sarili nating problema nahihirapan tayo, lalo na kung wala tayong mapagsasabihan at mahingan ng payo. Kaya naman naging patok sa mga tao ang programang niyang Talk To Me.




"Thank you Aileen, sa pagtitiwala mong tawagan ako. At sana makatulong ako sa iyong problema. Una sa lahat, hindi mo kailangang mag-isip pa kung ano ang dapat mong gawin. Dalawang buwan pa lang kayong magkakilala at niyaya ka na agad na magsama na kayo? At hindi muna kasal? Bakit ka sasama? Dahil mahal mo siya? Mahal ka niya? Sigurado na ba kayo? Pangarap mo na maiahon sa kahirapan ang pamilya mo hindi ba? Paano mo gagawin iyon kung ang boyfriend mo ay ilalayo ka sa mga magulang mo? Kung talagang mahal ka niya, dapat mahalin niya rin ang mga magulang mo. Maiintindihan ka naman niya siguro kung ipapaliwanag mo sa kaniya nang maayos. Kung ayaw naman niya, ikaw na ang bahalang mag-isip. Bata ka pa, Aileen, twenty two years old ka pa lang. Marami ka pang makikilala. Lagi mong tatandaan na ang boyfriend p'wedeng palitan ngunit ang magulang hindi mo kailanman maaaring palitan dahil nag-iisa lang 'yan. Sana makatulong ito sa pag-iisip mo at makapag-isip ka nang tama. Huwag padalos-dalos sa mga desisyon na gagawin at huwag hayaan na mabulag sa nararamdaman," ani Angela saka muling nagpatugtog ng isa pang awitin.


"Bago ko sagutin ang ating second caller, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa programa kong Talk To Me. Hindi po ito magiging successful kung hindi po dahil sa inyong mga listeners ko at wala pong Lady A ngayon. Okay! Kakausapin na natin ngayon ang ating pangalawang caller sa hapong ito."




Sinimulang kausapin ni Angela ang naghihintay na caller sa kabilang linya. Nang marinig niya ang pamilyar na baritonong boses ng lalaki, agad na siyang kinabahan. Hindi niya alam na lalaki ito dahil sumaglit muna siyang pumunta ng CR at ang kaibigang si Carlo ang unang nakipag-usap dito at hindi siya naabisuhang lalaki pala iyon.




"Hello? Magandang hapon. This is Lady A, ano'ng pangalan nila?"




"Hello Lady A, ako po si Marco," sagot ng nasa kabilang linya dahilan upang muntikan na siyang mahulog sa kanyang inuupuang swivel chair.


"Marco? What are you doing?" sagot niya na medyo napalakas pa ang boses. To the rescue naman ang kaibigang si Carlo na may isinulat sa papel at itinaas ito sa harapan ng salamin ng kanyang booth.


Live kayo! Saad sa sulat ng kaibigan habang nakangiti.



"Ahm... Sorry sa lahat at medyo nagulat lang po ako," agad niyang paghingi ng sorry sa kanyang mga listeners. Pinakalma muna niya ang sarili bago muling kinausap si, Marco. "Ano pong maitutulong ko sa inyo?" Pilit niyang pinapakalma ang sarili na maging normal pa rin ang pakikipag-usap sa kabila ng malakas na pagtibok ng kanyang puso.


"Lady A, kahapon kasi 15 years anniversary namin ng girlfriend ko and I couldn't make it na makapunta sa kaniya dahil nasiraan kami ng sasakyan going back to Manila. Patay na rin ang cell phone ko kaya hindi ko siya matawagan. Alam kong galit siya sa akin dahil apat na beses na itong nangyari. What should I do Lady A?" tanong ni Marco.



Hindi agad nakasagot si Angela sa tanong na iyon ni Marco. Hindi rin kasi siya makapaniwala na alam din pala ng lalaki na pang apat na beses na niyang ginawa na hindi nagpakita sa araw ng anniversary nila. Uminom muna ito ng tubig na nasa harapan niya bago muling kinausap ang lalaki.


"Sorry at medyo natagalan ang pagsagot ko. Okay! Bago ko po sagutin ang ating caller na si Marco, mag-babalik po ako pagkatapos ng ilang paalala."


Nag-commercial break muna sila saka niya sana kakausapin si Marco. Ang hindi niya alam, nasa loob na pala ito ng studio.


"Ano'ng nakain mo at tumawag ka pa talaga? Ano'ng sasabihin ko sa mga listeners Marco?"


"Just tell them whatever you wanted to tell me," nakangiti nitong sagot sa kanya pagpasok nito sa booth ng nobya at sumandal sa mesa ng dalaga.


Tinitigan lang ni Angela ang nobyo na isang lingo na niyang hindi nakikita. Ilang sandali pa'y tumayo na ito at niyakap ang lalaki. Sobrang na-miss niya si Marco. Sa sobrang pagka-miss niya rito, nakalimutan na niyang galit nga pala siya sa lalaki. Bihira na lang kasi silang magkita dahil laging out of town ang shooting ng lalaki sa ginawa nitong pelikula.




"Ang sama mo talaga!" aniya sabay suntok ng dibdib ng binata habang nakayakap pa rin dito.




"Sorry. Kahit ano'ng gawin ko kahapon wala talaga. Malayo sa city ang lugar kaya bihira lang din ang mga kabahayan doon at wala pang kuryente,"




Ilang saglit lang kumatok na si Carlo dahil magsisimula na ulit ang programa ni Angela kaya naputol na ang pagyayakapan ng dalawa.



"Lovers, ituloy niyo na lang mamaya iyang ginagawa ninyo at baka kung saan pa mapunta ang yakap na 'yan. Alam na alam ko na 'yan. Trabaho muna kami Marco ha?" Ani Carlo na kumindat pa kay Marco.





Natawa na lang pareho sina Marco at Angela sa sinabi ng kaibigan. Muling umupo si Angela saka isinuot ang headset bago nagsimula ulit habang si Marco naman ay hindi na lumabas ng booth at doon na hinintay matapos ang nobya.




"Thank you, Carlo," sabi ni Angela paglabas nila ni Marco ng booth.



"No problem. Ayan, mas bagay sa 'yo ang nakangiti. Hindi 'yong nakabusangot ka," pang aasar nito kay Angela.


"Thank you Carlo at sinamahan mo itong beauty queen ko. Ang dami ko ng utang sa 'yo,"



"Huwag mo lang akong kalimutan sa premier night mo, Marco ayos na sa akin 'yon!"



"Ikaw pa!" sagot naman ni Marco sabay tapik ng balikat ng kaibigan bago sila tuluyang pumunta ng opisina ni Angela.


Nang makapasok sa loob, agad na ni lock ni Marco ang pintuan saka niya pinihit paharap ang dalaga na nauang pumasok. Nakahawak ito sa bewang ng dalaga habang nasa dibdib naman niya ang dalawang kamay ni Angela.


"I'm sorry, Angela," hinaplos niya ang mukha ng dalaga. "Everyone knows how much I tried just to be with you. It's just that.... malayo lang talaga sa kabihasnan ang location na---"




Hindi na nagawang tapusin pa ni Marco ang sasabihin nang siilin ito ng halik ni Angela.






Itutuloy____








iamdreamer28


Perez Bride's Presents Angela PerezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon