** MEET ME SISTER**

131 3 0
                                    

(NORMAL POV )

Mula sa nabasag na bubong dahan-dahang bumaba ang isang babaeng may itim na pakpak na napapalamutian ng mga matutulis na bakal na bagay na animo’y isang pananggala.

Bumaba ito sa mismong ibabaw ng  libingan ng itinuturing na pinakabanal na bampira sa lahat ... si lord Dracula...

“ sinong kang lapastangan ka!! ... ang lakas ng loob mong apakan ang libingan ng pinakabanal na bampira sa buong mundo.!!..”—galit na sigaw ni jayson.

Dahan dahang nag-angat ng tingin ang babae at ngumiti..

“i-ikaw !!”---gulat na gulat na sabi ni chris.

Parang tumigil ang oras  at sa mga sandaling iyon ay parang sila lang ng babaeng may itim na pakpak ang may buhay .. huminto ang lahat ..

“ ako nga ...KAPATID KO!”---- nakangiting sabi nito kay chris..

“k-ka-kapatid ?”----napatingin si chris sa mga magulang..

Tumingin si chris sa mga magulang para sana tanungin ang mga ito pero nagulat siya ng makitang nakatigil ang mga ito at tila nakatingin sa kawalan.. bumaba ang babae mula sa libingan at naglakad palapit kay chris.. napaatras naman si chris dahil dito..

“ oo.. kapatid mo ako .. bakit ?? hindi pa ba nahahalata sa mukha ko ?!”---mahinang bulong nito sa mukha ni chris..

Tinignan ulet ni chris ang mga magulang pero nananatili ganun parin ang ayos ng mga ito ...

“sino ka ba talaga ?”--- seryosong tanong ni chris.

Lumayo ito at naglakad paikot sa silid..

“ sino ako ?... uulitin ko na naman ba ulit .. ako.ay.ikaw.rin.christina .!”--- dahan dahang sabi nito.

Maang na napatingin sa kanya si Christina ..

Matiim na tinitigan ito ng babae ..

“ iisang mukha .. iisang dugo .at . iisang magulang.. !”--- mahinang bulong nito ..

(CHRIS POV )

Anong kalokohan to.. iisang mukha .. oo .. iisang dugo at magulang ?? ewan ko...ano siya kakambal ko...

..

Kakambal ...

Hindi kaya ...

Kambal nga kami ..

“ anak “

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang ama kong bakas ang pag-aalala sa mukha ..

“ bakit ka natitigilan ?”---nagtataka ring tanong sakin ni mama...

Nagtataka ako sa reaksyon nila.. kanina lang nakatigil sila at tila isang manikim na walang buhay .. tapos ngayon –

lumingon ako kung saan nagpunta ang babaeng may itim na mga pakpak kanina..

pero wala...

san na napunta yun !!

tumingala ako para tignan ang nawasak na bubong pero wala ni ano mang bahid ng pagkawasak ang makikita mo dun..

“may problema ba ?”--- nagtatakang tanong sakin ni papa.

Kung ganun isang premonition nanaman ang isang yun..kailangan kong gumawa ng paraan para mapigilang mangyari yun.. kung pupunta ang babaeng yun ditto sa palasyo tiyak na gulo nanaman ang magaganap..

Nag-angat ako ng tingin at mataman tinitigan ang aking mga magulang na bakas pa rin ang pagtataka sa mga mukha .

“ anak kanina pa tayo naaantala dapat kanina pa tayo nasa loob ng altar !”---pagpapaalala sakin ni mama.

Do you Believe in Vampires???Where stories live. Discover now