Chapter 14

381 29 0
                                    

A/N: Mag uupdate sana ako kahapon kaso nasa Pampanga kami so no internet. Hihi. Kumusta valentines niyo? Wag masyadong bitter uy.








♡♡♡

Pasulyap-sulyap sa kanyang kanang kamay si Dara. At di niya maiwasang mapangiti dahil sa singsing na nakasuot sa kanyang daliri.

Hindi parin siya makapaniwala.

She's engaged to Chanyeol.

Biglang pumasok si Bom dala dala ang isang malaking teddy bear.

"Oh, bigay ng fiancè mo. Sabi niya pagkatapos ng training nila mag-dedate kayo." Napangiti pa lalo ang babae at tsaka kinuha ang higanteng stuff toy tsaka niyakap ito.

"I'm so happy for you Dara. Sana nga kayo na talaga ang para sa isa't-isa."
















































Dara

Where the hell is that guy?

15 minutes na at wala parin siya. Nakaalis na yung tatlo pero ako naiwan kasi kailangan DAW na lagi  kong kasama yung P.A. ko. Bwiset talaga. Pinaghintay pa ako!

"Dara!" Napalingon ako sa kanya na tumatakbo papalapit sa akin.

Umirap ako,"You're 15 minutes late. Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang mahuhuli na ako sa flight ko dahil sa kabagalan mo? Tss. Dalian mo at buhatin mo na ang mga bags natin." Tsaka ko binilisan ang lakad ko papunta sa van. Nagulat naman ako kasi ang bilis niyang kumilos at nailagay niya agad yung mga bagahe ko sa likod ng van.

Pumasok na rin siya at tatabihan na sana ako pero agad ko siyang sinamaan ng tingin. Kaya umupo siya sa seat na nasa harap ko.











































Chanyeol

"Babes, sorry natagalan ako. Galing kasi ako sa practice tsaka bumili pa ako ng pagkain mo."

Sinamaan niya ako bigla ng tingin,"Anong babes-babes ka diyan? Don't you dare call me that." Napangiti ako.

"Sige Dara ko nalang."

"Ugh! Kadiri ka. Just call me Dara or noona. Walang KO at walang BABES. Naiintindihan mo ba?" Wow noona ko na siya.

"Yes noona. Ah, ito na pala yung binili kong pagkain para sayo."

Kinuha ko yung pagkain sa plastic bag na dala ko at binigay sa kanya.

"What is that?" Mataray niyang tanong.

"Diba paborito mo ang Jollibee? Tinakbo ko pa yan para lang bilhan ka."

Tinitigan niya lang ako, coldly.

"I dont care. I don't even eat that."

"H-huh? Eh paborito mo to dib--"

"Isa pang salita at pabababain kita." Agad naman akong nanahimik at binalik nalang sa plastic yung pagkain niya. Baka mamaya ganahan na siyang kumain kaya itatago ko nalang muna to.
























































Dara

Naglalaway ako sa Jollibee na dala niya. Pero syempre di ko pwedeng ipahalata. Baka sabihin niya quits na kami. HECK NO.

You WERE mineWhere stories live. Discover now