CHAPTER 4: Will Julie mend Elmo's broken heart?

6.2K 57 2
                                    

KINABUKASAN… It's around 10:30AM at pinuntahan ni Julie si Elmo sa bahay nito, hoping na makita nya ang kanyang kababata/kaibigan, pero ng papasok pa lang ito ng pinto nila Elmo ay naka-salubong nya ka-agad ang ninang Pia nya…

PIA: (nag-aayos ng mga gamit at nagulat sa pagdating ni Julie sabay ngumiti) yung pupuntahan mo, wala na dito, he's in his restaurant. (sabay smirk)

JULIE: (kumunot ang noo sa pagtataka) huh? Akala ko po ba di na sya naglalalabas? (takang tanong nya)

PIA: this is his first time to come out of his comfort zone, simula ng na-udlot yung wedding nya, naku, nakita ka lang e. (smiles) nawala na yung kanyang pagmumukmok. (smiles)

JULIE: talaga ninang? Nagawa ko yun? (smiled)

PIA: Oo! Didn't you see it hija? Kaya sige na, (sabay tulak kay Julie palabas) puntahan mo na sya dun… para ma-1-2-3 patch mo, ng matuluyan na dali! (excited na sabi nya sabay ngiti)

…..nagtinginan sila ni Julie habang naka-ngiti

PIA: GO! (masayang sigaw nya sabay ngiti)

.....at agad namang sumakay na si Julie sa kanyang sasakyan at pumunta na sa restaurant ni Elmo.

Samantala, sa Blue Dish Restaurant naman, ay kausap ni Elmo ang general manager ng kanyang restaurant para bigyan ito ng mga tips and orders...

ELMO: so, how's our customers? Make sure na comfortable sila okay and make sure that everyone will be accompanied and entertained.

GEN. MANAGER: yes sir, okay naman po.

ELMO: oh… Paki check din yung mga platings ng mga chef natin sa mga dishes natin okay.

GEN. MANAGER: yes sir, I will. (tumango)

ELMO: okay sige, thank you.

.....sabay nag-lakad na si Elmo papunta dapat sa office nya ng bigla syang mabangga ng isa sa mga crew ng restaurant at di sinasadyang nabuhusan ang polo nya ng tubig.

CREW: o—oh... s—sorry sir… I didn’t mean to… s—sorry po talaga sir. (habang pinupunasan ang polo ni Elmo)

ELMO: No, it's fine. sige na, sige na. I can manage, continue your work. okay.

CREW: naku sir, sige po. pasensyahan nyo na po. (at saka nagpatuloy na sa trabaho nya)

…..tumango na lang si Elmo at pumunta sa office nya sa Restaurant at ng maka-pasok na ito sa office nya ay agad nyang hinubad ang polo nya para magpalit ng bagong polo.

Sa kabilang banda nama'y dumating na si Julie sa restaurant ni Elmo at binati naman sya ng mga crew…

JULIE: hi, good morning. (ngiting bati nya sa mga crew)

CREW: hi ma’am. (ngumiti din)

JULIE: ahhh… san boss nyo? (ngiting tanong nya)

CREW: ahh, ma’am nasa office po nya.

JULIE: ah, sige thank you. (ngumiti at dumeretso na sya sa office ni Elmo)

…..at ng makarating na si Julie sa office ni Elmo ay nakita nyang mejo bukas ang pinto kaya naman sinilip muna nya dito si Elmo at laking gulat sa nakita nya, isang naka-topless na Elmo Magalona ang nakita nya at kitang kita nya ang abs ni Elmo at tila napa-awang ang bibig nya at nanlaki ang mga mata nya sa gulat sabay napa-talikod habang napa-hawak sya sa kanyang dibdib at tila kinikilig sa nakita nya.

PLAYFUL HEARTS ❤ (featuring JuliElmo-----COMPLETE! REVISING!)Where stories live. Discover now