Chapter 46

1.2K 58 15
                                    

Chapter 46

Alexandria

Pare-parehas kaming nakatanggap ng text mula kay Vonjo. Isang hindi kapani-paniwalang balita ang aming nalaman. Higit pa ito sa aksidenteng kakatapos lang maganap sa aming paaralan. Iniisa-isa na ang grupo namin ng Red Blood Organization, ang kamatayang sinapit ni Zamuel ang kanilang panimula.

Nakita namin na kasama ni Kim si Luther bago kami makalabas ng gate ng school. Sabay-sabay na kaming pumunta sa ospital na sinabi ni Vonjo. Pero ng makarating kami doon, hindi na namin inabot ang bangkay ni Zamuel.

"Wala na siya dito....." Sambit ni Vonjo.

"Pina-cremate na ang bangkay ni Zamuel. Tatawagan nalang ako ng contact ko kung tapos na." Dagdag ni Officer Perez.

Halos lahat hindi maipinta ang mukha dahil sa insidenteng nangyari. Lungkot at takot ang nangingibabaw sa aming lahat. Dahil sa isang iglap lang, maari na kaming mamatay lahat.

Ito ang ikalawang pagkakataong nagkaharap-harap ang grupo namin. Ang Mystery Club, Ghost Club maliban kay Shen, Arvine at Romylyn, sina Officer Alejandre at Perez, pati narin si Abbygale.

Ilang sandali pa ay dumating na si Shen kasama si Ada. Para bang sabik na sabik si Ada na tumakbo kay Vonjo. Mahigpit itong yumakap sa kanya.

"You're safe..... Akala ko, kung ano na ang ginawa sayo ng Red Blood." Garalgal na usal ni Ada habang mahigpit parin siya sa pagkakayakap. Samantalang napansin ko namang nairita si Abbygale sa kanyang nakikita.

"Wala silang ginawa sa akin, may bagay lang sinabi sa akin ang Supremo, tungkol sa magaganap na Red Blood." Tugon niya at tuluyan na itong kumalas kay Ada.

"Ito rin ang isa pang dahilan kaya ko kayo pinapunta dito." Dagdag pa niya.

"Anong ibig mong sabihin Vonjo?" Tanong ni Rodylien.

"Oras na para malaman ninyong lahat ang mga nangyayari. Ang katotohanan sa katauhan ng bawat isa." Bigkas ni Vonjo na nakatitig kay Luther.

Luther

Seryosong nakatitig sa akin si Vonjo, agad akong nakaramdam ng kaba. Marahil ito na ang oras na malalaman ng mga kasama ko kung ano ang relasyon namin ng Supremo.

"Katotohanan sa katauhan ng bawat-isa? Teka teka! Huwag mong sabihing may traydor sa grupo natin." Naguguluhang reaksyon ni Tom.

Umabante ako ng isang hakbang at taas noong tumingin kay Vonjo. "Sige, sabihin mo na sa kanila."

Humawak sa braso ko si Kimberly, nagtataka rin siya sa nangyayari. "Teka nga Luther, ano bang nagyayari?" Tanong niya.

"Ama ni Luther ang Supremo!" Mabilis na tugon ni Vonjo.

Pinutol na niya ang mga tanong sa isip ng mga kasamahan namin, para bang biglang natahimik at natulala ang lahat. Hindi sila makapaniwala sa katotohanang nalaman nila, isa-isa silang napaatras sa akin. At ang mahigpit na kapit sa akin ni Kimberly ay unti-unting lumuwag. Hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw.

Liningon ko siya, kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot dahil sa natuklasan. Pero mabilis na napalitan ng galit ang kanyang emosyon at bigla nalang niya akong binigyan ng isang malakas na sampal.

Tila nagising ang buong katawan ko dahil sa malakas na sampal na iyon. Ramdam na ramdam ko ang sakit at pamamanhid ng kanang pisngi ko. Pero ayos lang iyon, dahil ito ang kabayaran sa paglilihim ko sa kanila.

"Bakit mo to nagawa sa amin?" Umiiyak na tanong ni Kimberly.

"Inilihim mo sa amin ang katauhan mo! Trinaydor mo kami Luther! Isa ka pala sa kanila! LINOKO MO KAMING LAHAT!" Galit na galit siyang sumugod sa akin, muli niya akong sinampal tapos pinagsusuntok na din niya ako sa dibdib.

Unfinished 3Where stories live. Discover now