Kabanata 61

666K 15.1K 3.7K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 61 

Shiloah was wrong. Dumating si Kyle-during the last 30 minutes of his own concert. Irina gave him hell for that and I was pretty sure he disappointed at least half of the people who attended that night.

But he was Kyle Mendes. Whatever he might do, his fans would always end up being by his side. Nag-enjoy ang mga tao kahit na sandali lang nakapagconcert si Kyle. They made up this bullshit excuse na magkaroon ng importanteng family emergency kaya naman hindi agad nakarating si Kyle. Of course the people bought this excuse pero kahit na ganoon, hindi pa rin maitatanggi na malaki ang nagawang masama nito sa career ni Kyle...

"Oh, my god."

Napatingin kaming pareho ni Shiloah kay Marga. She just got off the phone with someone at nanlaki ang mata niya. Nagtaka kami ni Shiloah because Marga's never speechless. Siya iyong tao na palaging may sasabihin. Something big must've came up to render this woman wordless.

"Platinum."

"Ha?"

Then she began jumping up and down.

"Platinum record na iyong album ni Shiloah!" she shouted and then continued jumping up and down. Nanlaki rin iyong mata ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano ang unang gagawin ko. I looked at the person beside me and he looked surprised, as well.

Wow.

3 weeks in showbiz and he managed that?! What changed?! Parang nung isang linggo lang ay halos isumpa siya ng mga fans ni Kyle tapos ngayon sobrang benta ng album niya?! Pakiramdam ko bigla ay nasa alternate universe ako!

"Congrats pero paano nangyari?" I said and I looked at Shiloah. I could tell that he's also very confused. Magkasama kami palagi at oo, napapansin ko na parami na ng parami iyong mga nakakakilala sa kanya at nagpapapicture pero naisip ko na dahil lang iyon sa concert ni Kyle. More people knew him when he did the front act.

Marga rolled her eyes at us.

"Ewan ko sa inyong dalawa! May iPhone naman kayo at may internet naman pero bakit hindi kayo aware?!" she said and then she whipped her phone from her pocket. May pinuntahan siya sa facebook tapos ay iniabot niya sa amin iyong phone. "Ayan panoorin niyo. Kayong dalawa! Bawasan niyo nga ang sexy time at maging aware naman kayo sa nangyayari sa paligid! Stressful kayo, ha!" she said and then opened the door. "Wait punta lang ako kay boss! Dapat may bonus tayo! Achievement 'to!" And then she's gone before we can even say anything. May lahi talagang kabute si Marga.

Natapos agad magload iyong video at pinanood namin siya ni Shiloah. Medyo magulo iyong pagkakakuha pero alam ko kung saan iyon. Iyan iyong concert ni Kyle-iyong parang naging biglaang concert ni Shiloah dahil hindi dumating si Kyle.

We could hear shouting and people talking in the video.

"Hindi naman si Kyle 'yan!" one of the voice said.

"E gwapo naman! Tsaka phone ko 'to kaya vivideohan ko gusto ko," another answered.

"Sus e hindi naman-"

Her voice was lost the moment Shiloah began singing. Wala na akong narinig na reklamo mula sa dalawang babae na nag-uusap at ang tanging naririnig ko na lang ay iyong pagkanta ni Shiloah. I knew he sounds better live... pero hindi ko maitatanggi na maganda rin ang pagkaka-record sa kanya rito.

I was in awe-and apparently, I wasn't the only one. Mula sa video ay nakita ko na lahat ng tao ay nakatuon na ang atensyon kay Shiloah. They were all being swooned off their feet. I couldn't blame them. Shiloah has his way with people. He didn't need to do anything but he'll make you love him.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now