Chapter 6

3.7K 69 3
                                    

Kunot noong tiningnan ni Terrence ang babae na nasa harapan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatanong nito ang mga impormasyon na nalalaman niya kay Red Tiger samantalang sa pagkakaalam niya ay matagal ng patay ang nasabing tao. Matapos niyang umalis sa Red Tiger Gang ay nalaman niya na nakalaban ng dati ni Red Tiger ang Gangster Queen. Makalipas ang ilang buwan ay nabalitaan niyang nawala ito at di umano'y kumalat ang balitang patay na ito. Kaya bakit naman tatanungin ng Gangster Queen ang isang katulad niya tungkol sa isang taong matagal ng namayapa sa mundong ito?


"I don't really understand where this conversation is heading to, but at least let me know what the hell is happening here, Empress Phoenix." tanong ni Terrence kay Megan. Kumibit-balikat lamang si Megan matapos marinig sa lalake ang kanyang ginagamit na pangalan sa Gangster Society. Matagal-tagal na rin niyan hindi naririnig ang pangalan na ito, and hearing it from someone who she had just met felt weird. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at sa halip ay tiningnan niya ng diretso sa mata ang lalake na napaatras dahil sa takot, sunod ay nilipat niya ang kanyang tingin sa envelope na nahulog nito kanina at muling tiningnan sa mata ang lalake. Just by that simple gesture she made, nakuha na kaagad ni Terrence an ipinahihiwatig nito. Yumuko kaagad siya upang kunin ang nahulog na envelope, binuksan ito at kaagad na binasa ang laman nito.Hindi niya maiwasang mapanganga pagkatapos niya itong basahin.


"R-Red Tiger... She's alive? How come? And I don't understand... She kidnapped your friends?" Walang kaemo-emosyon na tumango si Megan. Sa rami ng impormasyon na pumasok sa utak niya ay napaupo na lamang si Terrence. Naramdaman na naman niya ang takot na matagal ng nawala sa kaniya nang malaman niyang patay na si Red Tiger, na unti- unti na namang gumagapang sa puso niya. Akala niya mabubuhay na siya ng tahimik pero ngayong malaman niyang buhay pa ito ay hindi maiwasang hindi mapakali.

"What is it?" tanong ni Megan sa kaniya ng mapansin ang pananahimik nito. She sat behind her office desk and rustled around, opening the drawers as if looking for something. Bumuntong-hininga siya at napatigil sa kanyang ginagawa at tiningnan ng masama si Terrence na hindi sumasagot sa tanong niya at ngayon ay nakayuko. Umaatake na naman ang pag-init ng dugo niya. Napakaikli talaga ng pasensya niya. "I told you, you need to tell me everything about Red Tiger. I'm in a hurry here so please focus."


"I don't even know where should I begin yet." nanginginig na sabi ni Terrence sa kaniya. Pasimple niyang pinunasan ang tumulong pawis sa mukha niya. Hindi talaga siya mapalagay ngayong alam niyang buhay pa ang babaeng iyon. Itinaas niya ang kanyang paningin kay Megan na ngayon ay tila nahanap na nito ang kanina pa nitong hinahanap, hawak-hawak ang mukhang maliit na cellphone, doble... Hindi, triple ang liit sa isang iPhone 4s. Pamilyar ito sa kaniya at nanlaki ang mata niya ng maalala niya kung ano ito. Isang device na natatanggap lamang ng mga taong may matataas na posisyon sa Gangster Society. Ang Identity Device na inimbento mismo ng Gangster Queen. Nagulat siya ng bigla nitong inihagis sa kaniya ang nasabing device at halos magkandarapa na siya para lang masalo ito.


Napakahirap makuha ng device na ito. Maraming mga gangster ang paniguradong gagawin ang lahat makuha lamang ito. At panigurado, pati mga police pagkakaguluhan itong makuha. Isa itong device na kayang idetect ang mga marka na naiiwan sa isang bagay. Mula sa isang simpleng marka na iyon ay nalalaman kaagad ng device kung sino ang nag-iwan ng markang iyon. Megan has her own ways para lang maprogram niya sa napakaliit na device na ito ang kanya-kanyang fingerprints ng mga tao. The problem is, tanging mga fingerprints pa lang ng mga tao mula sa Pilipinas, Japan, London at America ang naipo-program niya rito, which means hindi pa talaga niya natatapos ang Identity Device na iyon.



"What should I do with this?" takang-tanong ni Terrence kay Megan. "Use it to identify the person who left that envelope at my desk." napaikot na lamang ng mata si Megan sa kaniya at binigyan ng tingin na parang sinasabi Ano sa tingin mo?

Daredevil (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon