Ang Lalakeng Nakaputi

94 0 0
                                    

Madaling araw na namang nakauwi si Isabella sa kanyang up and down na pamamahay na siya, dalawang katulong at isang driver lamang ang nakatira. Malakas ang ulan sa labas, pero dahil napayungan siya agad ng mga naghihintay na yaya, ni isang patak ay hindi siya nabasa. Isa iyon sa mga batas niya sa bahay na ito, malaki naman ang pinapasahod niya sa katulong kung kaya naman ay handang handa ang mga ito na gawin ang anumang gusto niya.

Magisa lang siyang nakatira sa bahay na iyon na sa Paranaque na may apat na kwarto at isang maid's quarter, pamana pa ito sa kanya ng kanyang mga magulang, na nasa high school pa lang siya nang mamatay ang mga ito sa isang plane crash sa ibang bansa. Nag warm shower si Isabella sa isang bath tub na may scented candles pa sa paligid niya, pati tubig ay may mga fresh na rosas pa, syempre hinanda din iyon ng kanyang mga mahal na katulong, pagkatapos niyang maligo ay pinunasan siya ng tuwalya at inalalayan sa kwarto nito. "Iwan niyo na po ako." utos niya kay Yaya Marie.

"Sige po Ma'am."

At muli siya ay magisa na naman.

Umupo siya sa harap ng kanyang salamin, kasabay noon ay isang kidlat na may kasamang malakas na kulog. "Akala mo ba natatakot ako sayo? Tumigil ka nga diyan!" aniya sa panahon sa labas na para bang may kaaway. "Kung akala mo nasisindak na ako sa pakidlat kidlat mo ay nagkakamali ka, hindi ako takot sayo!"

Walang sakit sa pagiisip si Isabella, kung yan ang inaakala niyo.

Galit lang talaga siya sa Diyos, sa poong maykapal. Sa kataas taasan. Matinding matindi ang galit niya dito.

Unang una hindi mo siya pwedeng husgahan sa mga oras na ito, iyon ay dahil, hindi mo pa alam ang istorya ng buhay niya, at malamang kung negatibo man ang magiging pananaw mo sa kanya ay eto ay dahil sa hindi mo pa napagdadaanan ang mga napagdaanan niya sa buhay.

Walong taon na ang nakararaan...

Malayong malayo ang Isabella noon sa ngayon. Ang Isabella noon ay isang mahinhing babae, masayahin, palangiti, positibo ang tingin sa mga bagay at laging iniisip ang kalagayan ng mga tao sa paligid niya. Gabi gabi pa siyang nagdadasal at linggo linggo kung mag simba, kasali pa nga siya sa isang youth group na tumutulong sa mga ibang taong nangangailangan. Dahil may kaya naman ang kanyang pamilya, wala silang problema sa pera, nakapag aral siya sa isang sikat na unibersidad, nakakabili ng kung anu anong magagarang damit. Sa mga panahon na iyon ay meron na din siyang nobyo na pitong taon, si Martin. Madalas silang magkasama ni Martin kahit saan sila magpunta, bata pa lang din ay magkaibigan na sila. At nang magsimula sila magaral ay magkaklase pa sila, hindi na nga surpresa kung isang araw ay ikakasal ang dalawa.

Nagbago lamang ang takbo ng buhay niya nang matanggap niya ang isang phone call mula sa kanyang Auntie, "P- Patay na ang Mama at Papa mo Bella..."

"Po?" Nagsimulang humagulhol ang auntie niya na nasa kabilang linya.

"S- sorry iha, nag crash ang eroplanong sinasakyan nila na papuntang Mexico." Nasa kalagitnaan ng honeymoon ang kanyang mga magulang nang panahon na iyon, hindi niya inaakala na makakatanggap siya ng ganoong klaseng balita.

"Hindi po Auntie, hindi po totoo yan..."

Makalipas ang isang linggo ay nakauwi na din ang mga labi ng kanyang mga magulang. Walang ginawa si Isabella kung hindi umiyak ng umiyak, kung nakamamatay lang siguro ang pag iyak ay malamang nauna pa siyang nilibing. Pero hindi, ang sakit sakit na ng dibdib niya, at ng ulo niya sa kakaisip kung paano na ang magiging buhay niya. "Bella, kumain ka na naman." Buti na lamang at nasa tabi niya si Martin. Umiling si Isabella.

"Ayoko Martin, hindi ako kakain hangga't hindi sila tumatayo at nagsasalita at... at buhay. Gusto ko silang mabuhay Martin..." Patuloy pa rin sa paghihinagpis ang batang dalagita na para nang baliw sa pinagsasasabi.

Bedsheet at Iba Pang Maikling KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon