Chapter 13: Foolish Heart

397 13 4
                                    

A/N: AT ngayon, naririnig ko si Daniel Padilla na kinakanta uli ang blockbuster na Nasa'yo na ang Lahat. XD Ewan ko pero di ako fan ng KathNiel. Oi ah! Di rin ako hater. Hindi ako fan pero di rin ako hater. Wala lungssss..

Dahil YENGSTER ako forever and ever. WOOOOOH!

MakakapgUD rin. Sorry natagalan, busy talaga ako. Yah know.... XD

 Uh... Non-teen FICTION po ito. FICTION! So if ever may mga pangalan, lugar, pangyayari na natutulad sa totoong buhay  ay coincidence lang po. Except sa pangalan ni RM. XD Yun lamang, bow. 

VOTE COMMENT BeAFAN

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Chapter 13: Foolish Heart

[[RM]]

"Hmmmmm...." Napamulat ako, at tumambad sa akin ang napaka among mukha ni Genesis. Nananaginip siguro siya. 

Tinanggal ko ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at umupo ako at binalot ang kumot sa hubad kong katawan. Naramdaman ko ang sakit 'doon' .

Oo, nangyari na. May nangyari. At napakalaki kong bobo. Tanga... lahat na. Alam ko namang panakip butas lamang ako. Pero wala eh, mahal ko. Hahahahahaha.... kung tutuusin, maiisip ng iba, napakababaw ko para ibigay ko ang dapat ibigay kahit na mukha na akong tanga. Ni hindi ako mahal, panakip butas.... Hah! Actually, di ko alam kung nagsisisi ako, o ano. Dahil wala pa akong nararamdaman sa ngayon. 

Dumiretso ako sa banyo. Bwusit! At dito na naman ako nakakapag isip ng maayos. Alam ko sa sarili ko, hindi ako nagsisi ngayon, dahil mahal ko nga eh! Pero paano mamaya? Paano bukas? Paano sa susunod na araw? Paano kung di niya ako panindigan dahil mahal mahal niya yung lintek na Cheenie na yon?? ARRRRGH!

Pero alam ko sa sarili ko, magmamakaawa ako na sa kahit anong paraan wag lang niya akong iwan. Aish! Napakabobo ko! Pero yun ang nasa loob ko...

**Knock knock knock**

Shit! Gising na siya! Baka naiihi lang siya, tapos lalabas ng bahay at mag-iiwan ng note na: 'Thanks for the night.' 

"RM. May CR pa ba sa baba?" Pinatay ko yung shower. Baka dahilan niya lang ang CR. At paglabas ko, wala na siya.

"Oo." Sabi ko at tinuloy ko ang pagligo. Natapos din ako at paglabas ko ng banyo ay wala nga siya. Tinignan ko ang kwarto. Tinignan ko ang kama. AT nakita ko ang dugo... at naalala ko ang nangyari. Wala na rin ang mga damit niya, pero nagtataka ako, dahil wala na rin ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Saan napunta?

Nagbihis ako. Saan ako pupunta. Gusto ko sa lugar na wala akong maalala. Para di ko maramdaman ang sakit. Sakit na dulot ng bobong puso. Wala na. Nabigay ko na lahat. Todo na. Pero sa huli ako pa rin talo. Yun yon eh. Psh.

Kinuha ko ang purse ko..at lumabas ng kwarto ko pababa sa kusina.  Magtitimpla sana ako ng kape ng nabigla ako sa nadatnan ko sa lamesa.

May fried rice at scrambled na itlog na may bell peppers. Favorite ko. At nakatimplang kape. Na may note. 0.0

Eto na ba? Ayokong basahin dahil natatakot ako na nakasulat doon kung paano siya magpaalam. Pero di ko rin naman matiis at kinuha ang note.

'Thank you, RM. Pinagluto kita ng favorite mong breakfast. Umuwi ako sandali para magbihis. Babalik din ako agad. Magpapaalam sana ako sayo ng personal pero natagalan ka ata sa banyo. Baka di na mainit yung kape pagbaba mo. :) Good Morning. - Genesis' 

Nagulat ako sa nakasulat sa papel. Naging masaya ako sa thank you. Pero thank you saan? Sa pag gamot sa mga sugat at suntok at pasa na natamo niya pagsuntok sa kanya ni Prince att ni Kenneth? o sa doon sa nangyari samin?

Pagkatapos ng kasal ay pinuntahan daw siya ni Kenneth at pinagsusuntok, dahil sinira daw nito ang kasal ng asawa niya. 

Pero mas natuwa ako dahil sinabi niyang babalik siya.....agad. At heto na naman po ako... handang magihintay...

pero...

10 am

11:09 am

12:17 pm

2:31 pm

5:27 pm

8:16 pm

10:40 pm

 Mag- eleven na ng gabi...pero wala pa rin bumabalik na Genesis. At nandio ako sa balcony, umiiyak.

Napakabobo mo talaga RM! Wala ka na bang plano sa buhay mo kundi magpakatanga?! 

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Sumigaw ako.... 

Kahit ilang beses kong sabihing ayaw ko na.... pag nakita ko ang mukha niya, nanlalambot na naman ako. 

Pero hanggang kelan? 

Hanggang kelan ako magpapakatanga?

Sana mamaya, sana bukas, sana bukas makalawa, mawala na yung nararamdaman ko.

Pero ganun nga ba kadali?

Sana bumuhos ang ulan, at pagkatapos sana agusin nito ang nararamdaman ko. 

Pero hindi eh...

Hindi ko maturuan ang bobong puso ko na wag nang isipin at mahalin si Genesis.

Bullshit!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Sorry Short lang. Mag-aaral pa ko. Sorry talaga. Buti naisingit ko pa to sa sched ko. XD Ayoko yung sched ko ng wednesday, masayang masaya pero sobrang pagod.... 

Salamat! VOTE COMMENT naman dyan?! 

 (c)glancingB.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baby, I'm Scared [Book 2 ATG] by glancingButterfly [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon