"THE FLESH EATERS"

357 4 1
                                    

HUMAHANGOS na tumatakbo ang isang babae sa gitna ng matarik na kagubatan. Tinatakasan nya ang isang nilalang na humahabol sa kanya. Halos magkandarapa na sya sa pagtakbo. Hindi nya alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan at ang patuloy na pagdagundong ng kulog at kidlat. Mas nananaig sa kanya ang makatakas mula sa mabangis na halimaw na humahabol sa kanya.

Bigla nyang naulinigan ang mababalasik na kaluskos sa paligid. Sumikdo ang labis na kaba sa kanyang dibdib. Lalo pang binilisan ng babae ang pagtakbo pero dahil sa labis na pagtakbo ay nadapa sya.Iyon na ang pagkakataon ng halimaw upang sunggaban sya. Dumamba ang isang malaking halimaw sa kanya. Patuloy ang pagtulo ng mga laway nito na pumapatak na sa kanyang mukha. Nang walang anu-ano'y sinakmal sya nito sa leeg. Sumirit ang kanyang dugo mula roon.

"AAAAAAAAAHHHHHHH!" huling sigaw ng babae sa gitna ng kagubatan na iyon.

***

ISANG grupo ng mga campers na binubuo ng dalawang babae at tatlong lalaki ang naisipang mag camping sa gitna ng gubat.Subalit, inabutan sila ng malakas na ulan habang itinatayo pa lamang nila ang kanilang mga tent.

"Kung minamalas ka nga naman! Bakit ngayon pa umulan?" reklamo ng isa sa kanila na nagngangalang Ian.

"Maaliwalas naman ang kalangitan kanina, ah?" sabi naman ni Kazrilyne.

"Ang mabuti pa'y iligpit na muna natin ang mga gamit. Bumalik na lang uli tayo sa sasakyan." mungkahi naman ni Nhel sa kanila.

"Whatever! Sinabi ko na nga ba't ganito ang mangyayari eh! Dapat ay hindi na lang ako sumama!!" reklamo na rin ni Mika.

"Ito naman. Wag ka nang masyadong magreklamo, Babe." sabi naman ng boyfriend ni Mika na si RP.

"Tss, ano pa nga ba?"

Iniligpit nila ang kanilang mga gamit.

Naglakad sila sa direksyon kung saan nila ipinarada ang kanilang sasakyan pero napansin nila na parang iba na ang lugar na tinatahak nila.

"Sandali, tama pa ba itong dinadaanan natin?" Ani Nhel.

"Aba malay ko? Ikaw lang naman ang sinusundan namin dito eh!" si Ian.

"My God! Umuulan na nga, naliligaw pa tayo!" si Mika.

Lalo pang lumakas ang ulan kasabay ng matitinding pagkulog at pagkidlat.

"WAAHH!!" pagkagulat ni Kaz.

"Guys, ang mabuti pa'y maghanap na muna tayo ng masisilungan." saad pa ni Nhel.

"As if naman na may masisilungan pa tayo dito sa gubat."

Muling kumulog at kumidlat kaya nagpasya na lamang sila na maghanap ng kahit na anong pwedeng masisilungan. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa may natanaw silang isang napakalaking mansyon.

"Tama ba itong nakikita ko? Isang mansyon sa gitna ng gubat?" nagtatakang si RP.

"Spooky! Nakakatakot naman ang hitsura nyan?"

"Wag na tayong magtanong pa. Makisilong na muna tayo sa kanila. Siguro naman ay mapapakiusapan natin sila." si Ian.

"Hindi ko alam pero parang kinukutuban ako sa mansyon na iyan." may pangamba sa tinig ni Kazrilyne.

"Kesa naman manatili tayo dito at manigas sa lamig?" sabat ni Nhel.

"Yeah! He's right. Tara Guys!" sagot pa ni Mika.

Lumapit sila sa mansyon. Kumatok sila sa harap ng malaking double door. Si Nhel ang kumatok.

"Tao po! Maaari ho bang makituloy sa inyo?"

MY HORROR STORIES COMPILATION - DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon