MY LOVE IS A STAR 10: House Rules

18 1 0
                                    

My Love is a Star

Chapter Ten: House Rules

ANNA's POV

(NP: Brand New Day)

Last year's old news

I'm breaking out my six-string

And playin' from my heart

It's not deja vu

Cause it's another summer

That's how this chapter starts

I'm gonna run so fast till I can't breathe

Come along and follow me

Let's make some noise we never did before

It's a brand new day

Don't you see me

Changing on my ways

So completely

This time I'm gonna sing

And you're gonna here itt

This time I gonna show you that I got the spirit

It's a brand new day

And I'm feeling good

And I'm feeling good

So drama free

i'm all about the music

I just wanna sing

Watch me

Live out--

Kahit ayaw ko pa, bumangon na ako at pinatay ang alarm tone ko. Konting inat.

Grabe, inaantok pa ako! Kahit ang lambot ng higaan nahirapan akong matulog. Ang dahilan, huwag niyo ng alamin dahil hindi ko din naman sasabihin.

Nagsimula na akong magligpit ng higaan. Sabado ngayon,eh, dapat hanggang ten a.m. tulog pa ako, pero dahil katulong ako ngayon, nag-alarm ako ng five o'clock. I know, right? Ang bait ko. Nang masiyahan na ako dumapa ako sa sahig. Gusto ko kasing mag-push-up.

Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa sahig. Okay.

Ready. Set. Go!

" Wa-wa..one. " Tumayo na ako at nagpuntang banyo.

" Ang sakit sa likod,eh. " Tama na yon. Si kuya, bakit kaya? Unfair! Saka si--.

Si..si--. Si kuya ulit.

Bago pa kung saan mapunta ang isip kong nasisiraan na ng bait, binuksan ko na ang pintuan ng bathroom.

Yun oh! Bathroom. Bigword!

Ang ganda talaga ng banyo dito. Ang laki. Kasing laki na ito ng kwarto ko sa amin. Banyo pa lang.

Pinto pa lang sosyal na. Glass door. Oh, diba? Paano pagka nabasag 'to, di ang daming bubog?

Pagpasok mo sa pinto, washroom ang sasalubong sayo at isang malaking salamin na napapaligiran ng mga blue at white na tiles. Makikita mo ang sarili mo habang nagse-sepilyo at naghihilamos ka.

Grabe! Mukha pala akong monster sa umaga. Sinuklay ko ng kaunti ang buhok ko na madali namang naayos dahil maikli lang naman. Saka naghilamos ako ng bahagya para maalis naman ang mga morning glory ko sa mata.

Kinuha ko ang isang bag nakahalo sa sabitan ng towel. Lalagyanan ng toiletries ko.

Teka, bakit may mga gamit na panlalaki sa banyo na 'to? Mukhang mga bago pa. Akala ko ba walang gumagamit nito? May pang shave, shaving cream, sabong panlalaki, mouth wash. Grabe! Ang vain naman ng may-ari nito.

TVG Series : MY LOVE IS A STARUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum