☒ Reklamo sa unli na paulit ulit

660 42 33
  • Dedicated to cliche authors
                                    

"Paulit ulit? Kaylangan unli?" madalas sabihin ng mga kaibigan mong pilosopo.

Sa mga paulit ulit na wala namang kakwenta kwenta. Katulad dito sa Wattpad. Yun bang tinatawag nating cliche.

Katulad ng:

I. Gangster daw na pogi:

Punyatera!! Eto yun e, simula nung nauso yung 'She's Dating the Gangster' di na tumigil yung mgai stories na may poging gangster kuno daw. Putahmnida! Bakit ganon? Naghahanap ako sa school ng ganyan wala naman? Nagpapaka-realistic lang po ako. Tapos yung mga linyang, "Ako maiinlove sakanya? No way." pero bandang gitna nainlab bigla. Isang malaking PUTAHMNIDA.

Pero seryoso, kaumay na! Lagi nalang ganyan, sana naman lagyan nyo ng twist. -_-

II. Bestfriends to Lovers:

Putahmnida. Putahmnida. Paulit ulit nalang? Alam nyo yon? Yung simula palang alam ko na yung ending, yung mga linyang, "simula palang mahal ko na sya." tapos yung girl naman na super manhid e, "kaibigan ko lang talaga sya, sya yung pinaka pinagkakatiwalaan ko blablabla" leche po kayo! LECHE!!!

III. Cassanova na naging stick-to-one:

Yun o! Yung para sakin e pinaka-"common". Kesyo pinaka pogi, kesyo matalino, blablabla. BAKIT WALA SA REALIDAD NYAN?!?!?! Tapos bigla silang magpapaka-stick-to-one nung makilala nila itong si Girl! Yung totoo? Putahmnida, madalas pa napaka bilis ng pangyayare, yun bang konting harlem shake lang nainlove agad si Cassanova. Wtf! Napapa-"wtf" ako sa kalokohang yan! -_-

IV. The ice ice baby:

Ice prince, ice princess. Manhid, walang pakielam sa mundo. Ano pa? Tss paulit-ulit? Lagi nalang? Tas biglang may magtutunaw ng puso ni ice blabla, magkakainlove-an. Totoo kayang may ganon? Pano kaya kung magibg literal no? Mga yelo. HAHAHAHAHA so ayun nga. Ice ice beybe

V. Magkaaway nagka-inlaban:

Yun o! Pinaka shit sa lahat, pag nakikita daw kumukulo dugo, pero maiinlab din pala. Kakainin yung sinasabi. Buyset no? -_- sarap ipalamon kay Barney aba. Tapos mga linyang gasgas katulad ng, "Nakakainis talaga sya! I will never fall for him/her, for goddamn's sake." tapos bigla nalang magiging, "I can't live without you. I love you." kotongan natin to guys! Leche. Ipatapon sa Tondo, kay Asiong! Tangena e.

VI. Bitchy style:

The bitches. Haaaayyy, di na naalis sa uso e. Yung mga eksaheradang epal na mga bitch. Kunyare nerd turned to a bitch, or biglang babaet. Shet! Putang shit!!!! Ano tayo dito? Gaguhan ganon???

VII. Nating turned to samting:

Eto yung halimbawa.. nerd tapos magta-transform sya, transformers ampeg. Magiging isang napaka-gandang shitty na dyosa. Dapat sa fantasy nilalagay yan e, hindi dapat romance or teen fiction. -_- Isipin mo nalang kunyare dagang kanal naging isang guinea pig. O diba? Apocalypse pa ata magaganap sa reality yon. Para lang sa lalaki e no? Siguro nagparetoke din yun? Hahahahaha jkjkjk. Wala na silang time para dun.

Sa susunod na siguro yung iba pa. Eto lang hinanaing ko ngayon. Good day fellas! Hahahahahahaha t(^____^t)

Reklamo ng Bayan (Compilations)Where stories live. Discover now