Chapter 1

47 1 1
                                    

***

Danielle's Point of View:

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Normal na sakin ang  magising ng ganito na sanay na din naman ako dahil simula grade 7 ay puro morning class ang schedule ko. Sakto naman na kumatok si Kuya sa kwarto.

''Bunso mag ayos ka na, ready na din yung breakfast bumaba ka na lang after mo mag ayos.'' Kuya said. Sumilip naman to sa pinto ng kwarto!

''Goodmorning kuya, sunod na lang ako!'' Nakangiti kong bati dito. Bumaba na ito, inaayos ko lang saglit yung kama bago kumuha ng towel at pumasok sa loob ng banyo. 

After ko maligo ay nag bihis agad ako. Naka ready na lahat ng gamit ko sa pag pasok, Masyado kasing organize si mama at ayaw niya na ma-late ako sa pag aayos ng gamit ko!

''Nasaan si Mama?'' tanong ko kay Kuya habang kumakain siya ng almusal.

''Maagang umalis pumunta kila Lola.'' Sagot niya.

''Bakit di niya ko sinabihan? Sinabi ba niya sayo?'' Tanong ko dito.

''Sinabi lang sakin kagabi bago matulog, baka nakalimutan ka lang sabihan.'' Napatingin naman ako sa kanya.

''Kung alam ko lang di muna ako papasok at sasama ko sa Cavite ngayon hays.'' Sabi ko at nakapangalumbaba. 

''At bakit? Wala ka ng balak mag aral?'' Tanong niya sakin.

''Gusto ko lang extend yung bakasyon ko.'' Sagot ko naman sa kanya.

''2 months yung bakasyon gusto mo pa i-extend? Tibay mo. Puro pag kukulong lang naman sa kwarto ginawa mo buong bakasyon!'' Sabi niya pa. 

''Medyo tinatamad pa ko pumasok eh gusto ko pa mag kulong sa kwarto tas manood ng movie.'' Nakangiti kong sabi dito. Ang saya kaya ng ganun!

''Tigilan mo 'ko.  Kumain ka na nga lang diyan at papasok pa tayo!''

So ayun, umayos na lang ako ng upo at sumandok sa nilutong breakfast ni Kuya. Oo nga pala, siya si Kuya Allen ang aking oh so ''overprotective / strict / ggss'' na kuya. Well, gwapo naman talaga si Kuya sa katunayan siya ang nanalo bilang Mr. Engineering sa school nila last year. Ako? Ako naman si Danielle, wag niyo na itanong kung saan kinuha yang pangalan ko dahil di ko din alam. Siya nga pala dalawa lang kaming mag kapatid ni Kuya at 3 years ang pagitan namin. 

Tanggap ako ng pamilya ko kahit ano ako. I'm gay at ako yung gay na minsan nag cro-cross dress pero madalas na boyish yung suot. May pagka-adik din kasi ako pag dating sa mga ootd na yan, feel ko kasi na e-express ko yung sarili ko sa suot ko and besides, wala naman akong pakialam sa magiging reaction nila kung ano ako. Isa na din yun kung bakit hindi ako nahirapan aminin sa sarili ko na ganito ako. 

''Tara na.'' Aya ni Kuya matapos namin kumain. Tumayo na din ako at sumunod dito!

---

6:30 AM

Nakangiti ako habang nag lalakad papasok ng West Manila Academy. Feel na feel ko lang yung enviroment ng school, nag iimagine pa na kunwari gumagawa ng music video sa kanta ni Omi na Hula Hoop. Natatawa na nga lang ako sa pinag gagawa ko, pansin ko din na medyo pinag titinginan na din ako ng ilang estudyante na katulad ko ay di obvious na excited sa unang araw ng klase. Dumiretso na lang agad ako sa gym ng school para sa orientation.

''DANI'' Napalingon naman ako sa tumawag sakin pag pasok ko ng gym. Nakita ko naman si Carla na nakaupo na sa harap.

''Wow teh, Himala ang aga mo.'' Sabi ko ng makalapit sa kanya. Pina-upo naman niya ko sa upuan sa tabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Signs of Love (boyxboy)Where stories live. Discover now