Simulan

7 0 0
                                    

Nakakatitig ka nanaman sa kawalan. Sa espasyo ng bawat letra. Sa kurba ng mga bintana. Sa kulay ng nasa paligid.

Blanko. Hindi mo maintindihan kung bakit sa tuwing sumasapit ang ikalawa ng umaga, nabubura lahat ng nasa isip mo. Nawawala sa linya, sa pagkasunod-sunod nito.

Maaaring may mga salita na naiwan. May humahabol na letra. Pero unti-unti ring nawawala.

Lumilipas ang mga araw, paulit-ulit ang ganitong eksena. At hindi mo maintindihan. Marami kang nais isiwalat. Madaming alalahanin. Madaming ala-ala ang nais itabi. Ngunit sa bilis ng pagpatak ng oras, inaabot ka ng ikalawa ng umaga.. at nawawala lahat.

Bakit nga ba sa tuwing ikalawa ng umaga? Bakit hindi ikatlo o ika-apat?

Ako si Sera Erlain Madrid. Isang frustrated writer. Madaming nasusulat, wala naman natatapos. Hindi isang storya ang sinusulat ko kundi hiwa-hiwalay na kaisipan.

Tungkol saan? Sa mga kaisipan na pumapasok sa utak ko. Magulo. Wala sa ayos. Hindi ko alam kung paano ayusin.

Sabi nila, there's one person that will come in to your life and changes you forever.

Dumating na ba yung akin? O nalagpasan ko lang?

A Curse And A BlessingWhere stories live. Discover now