Lobo (One Shot)

268 17 15
                                    

Naisip ko lang ipublish to. :) Pinag-isip kami ng limang words na maisip namin tas hindi namin alam yung gagawin. So, ang naisip ko lang nun ay lobo, twitter, korean dramas, puso (XDD), at ulap after nun gagawa pala kami ng story. Eto yun! :) Thank you sa magkakaatime na magbasa neto. :) 

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

 Lobo

Habang pinagmamasdan ko ang mga puting lobo na malayang nakakalipad sa himpapawid ay hindi ko maiwasang umiyak at alalahanin ang mga araw na kami ay nagkasama.

Bisperas noon ng Araw ng mga Puso. Tandang tanda ko pa ang unang beses kong naramdaman ang pagkabigo sa pag ibig. Parang gusto kong mamatay. Ang corny no? Hay, pero ganyan talaga eh pag naiin-love ka, kahit gaano kataas ang IQ mo, babagsak at babagsak ka sa test pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Sabi nga diba, pag pag-ibig ang pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Ang pilyong si kupido, sa lahat ng pwedeng tirahin ng pana nya, ako ang nasapol. Eto tuloy ako ngayon, umiiyak sa daan, hindi alam ang pupuntahan.

Ako nga pala si Una. Oo UNA, una kase akong pinanganak sa aming tatlong magkakapatid. Tubong Quezon Province ako pero eto ako ngayon sa Maynila para mag-aral. Nakilala ko si Paul noong tumuntong ako ng kolehiyo. Blockmate ko siya sa kurso kong Accountancy. Wala naman akong interes sa kanya sa unang pagkikita namen. Wala yung kilig-to-the-bones na feeling at yung huminto-ang-mundo-ko moment na mapapanood mo lang sa mga Korean dramas. Walang ganoon. Hindi naman siya panget e, in fact pogi siya, chinito at alam kong maraming mata ang nakatingin sa kanya sa klase. Basketball player pa siya.  Kaso wala lang. Mukha kase siyang maangas. Ayoko sa maangas. Period. Saka kailangan kong i-focus ang sarili ko sa pag-aaral. Scholar student kase ako. Kung tutuusin, kung hindi dahil sa scholarship grant eh wala ako rito sa paaralan na ‘to. Kaya ayan, subsob ako sa pag-aaral. Habang yung mga kaklase kong babae hawak ang pressed powder nila, ako hawak ko ang gadangkal na kapal kong libro.

So ang buhay ko ay routine na, gising sa umaga, ayos ng sarili, punta ng silid-aklatan, aral, pasok, uwi. Ganoon lang. Boring noh? Siguro nabored na rin sa akin si Lord dahil bigla niyang binigyan ng “spice” ang buhay ko.

Nasa parke ako ng campus noon, wala lang, masyado na kase akong napapagod kakaaral sa library kaya naisipan kong tumambay muna sa labas. Nagmamasid ako ng mga tao, at dun ko talaga nakita na parang hindi talaga ako bagay sa mundong pinasukan ko.

Nandun ako sa puntong iyon ng aking pagmumuni-muni nang tumunog ang antique ko na cellphone.  Si Lian, ang pangalawa kong kapatid, ay tumatawag. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkakaba. Naintindihan ko lang ang kabang iyon ng ibalita sa aking ng aking kapatid na sinugod daw ang tatay ko sa ospital.Sumama raw bigla ang pakiramdam, hindi makahinga. Parang naubos lahat ng lakas ko sa katawan, hanggang sa diko namalayan umiiyak na pala ako.

Ang sumusunod na pangyayari, medyo parang makikita mo lang sa mga movies eh. May kamay na nasa harap ko at inaabot sa akin ang isang lobo. Si Paul pala yun. Kung hindi lang dahil sobrang lungkot ko, baka natawa na ako sa sitwasyon. Anu bang akala niya? Na bata ako at sa isang lobo lang mapapatahan niya ako? Ewan. Weird. Pero sige, kinuha ko na yung lobo at umupu siya sa tabi ko. Inabot niya ang isang papel sa akin at sinabi niya,

“Paliparin mo kasama ng lobo na iyan ang problema mo. Sounds weird but it will help, trust me.”

Dahil siguro sobrang emosyonal ko, nagpauto naman ako at ginawa ko ang sinabi niya. Surprisingly, medyo gumaan ang loob ko. At gumaan din ang loob ko sa kanya. Dun kami nagsimula. Nagpalitan kame ng cellphone numbers. Pagkatapos dahil na rin sa impluwensiya niyaa, nagbukas ako ng Twitter at Facebook accounts. Comment dito comment doon, tweet ditto tweet doon. The rest was history. Naging kami. Don’t worry di ko naman nakakalimutan ang pamilya ko at pag-aaral ko. Si tatay naging maayos na rin kaya feeling ko nga ako na ang pinakamasweteng babae sa balat ng planet Earth e. Mantakin mo, isang heartthrob ang boyfriend ko. Hay, iba talaga ang magic ng first love noh? Tipong dika makatulog sa gabi kaiisip (teka kanta toh a), tapos pag nakikita mo siya parang may dumudutdot sa loob ng tiyan mo, pati puso ko mas mabilis pa ke Superman kung tumibok. Ewan ko ba, nagayuma ata ako. At dahil nalalapit na ang araw ng mga puso, kailangan kong maghanda ng surpresa sa kanya. Pero hindi ko alam, mas masusurpresa pala ko sa kanya.

February 13.

Maaga akong  nagpunta sa campus para ihanda ang pinagplanuhan kong sorpresa. Nasa campus na rin siya non pero alam ko may praktis sila ng basketbol kaya walang problema, hindi niya ko makikita. Hindi ko lang matiis na hindi siya Makita kahit isang sulyap lang kaya nagpunta ko ng gym para icheck siya. Siya agad ang una kong nakita. Grabe, iba talaga ang tibok ng puso ko. Ang pogi talaga ng bf ko. Pero teka, parang may mali. Imbis na bola ang hawak nya, kamay ng babae ang hawak niya. Feeling ko namamalik-mata ko kaya lumapit ako ng dahan-dahan. Pero walang mali sa mata ko. To make things worse, ako ang pinag-uusapan nila kasama ang mga team mates niya. Pustahan lang ang lahat. Ang prize? Ang matamis na oo ng babaeng hawak niya ang kamay, ang Ms. Campus Crush. Ok anong panama ko sa kanya diba? Pero hindi ako aalis nang talunan. Pumasok ako sa eksena at sinampal ko siya ng buong lakas ko. And then I smiled and walked out. Yun na.

Naglakad ako palayo sa campus hanggang sa hindi ko na namalayan nasa may simbahan na pala ako napunta. First heartbreak. Masakit pala talaga.

Dumaan ang mga panahon, hindi pa rin mawala ang sakit. Siguro dahil umaasa ko na matapos ang lahat hahabulin niya ko. Pero wala e. Araw-araw pinaparusahan ako ng langit pag nakikita silang magkasama at sweet sa isa’t-isa.  Ganyang ang kahibangan ko hanggang sa may isang wake up call.

Second year, first sem, hindi maganda ang performance ko sa school. Pinatawag ako ng Dean para sabihin sa akin na nanganganib ang scholarship ko. Dun ako nagising sa katotohanan. Hindi humihinto ang mundo dahil lamang niloko ako. Hindi nama kase LOVE talaga ang nagpapa-ikot ng mundo e diba? FORCE ang nagpapaikot diyan. Pag nawala ang mahal mo, hindi maapektuhan ang mundo dahil patuloy tong iikot. Ang problema pa gang mundo mo ang tumigil, mapg-iiwanan ka. Doon ko napagdesisyunan na kailangan kong mag move-on. Niloko ako pero buhay pa naman ako diba.

Kaya nga ngayong araw, bago ko tapusin na ang lahat ng kahibangan ko, bumili ako ng lobo. At kagaya ng sinabi niya, isasama ko sa paglipad nito ang mga sakit at pagmamahal na binigay ko sa kanya, hanggang sa matakpan ng mga ulap ang lobo at di ko na muling makita.

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

Thank you sa pagbabasa! :) XD hohoho. I miss you na watty frieeeeeeeeeeeeeends. .:3 Ingat kayo palagi. ^^ Dna muna ako magwawattpad. Minsan nalang. Pakabait muna. ^__^ Annyeong! (^__^)/

Leakeem~ 

Lobo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon