Papansin ako kasi mahal kita.

405 9 6
                                    

"Alam mo papansin ka nanaman eh no! Tumabi ka nga dyan.. Nakakasira ka ng araw! PESTE" nakasimangot nyang sabi sa akin at lumayo na..

Ang cute niya talaga, kaya nga mahal ko eh.. ;)

Hi there ;) Kent Gonzales is the name at opo LALAKI PO AKO halata naman yata sa name ko no? Physical appearance? Syempre sino bang lalaki ang hindi magsasabing gwapo sya?pakibatukan nga pa-humble pa eh bwiset! Pero seryoso gwapo ako haha kaya nga ang lakas ng loob ko manng-asar eh.. Member ako ng banda sa school namin kaya marami ring nakakakilala sakin basta yun na yun dami ko pang satsat eh.

Teka yung babaeng nagsalita pala kanina siya si Jamey Ledesma. *ehem* mahal ko yun haha..

At kung tatanungin nyo naman kung bakit parang galit sya kanina. Hindi sya galit nainis lang yun haha eh sa ganung paraan ko lang nae-express yung feelings ko sa kanya eh may magagawa ba kayo dun? ako nga wala eh -.- 

Crush ko yun noon pa lang tapos naging malalim yung nararamdaman ko pero syempre di pa ako umaamin! Next time na, ise-set ko na lang kung kailan ako aaamin..

HINDI PO AKO TORPE.. gusto ko lang talaga na ganito mangyari haha wala lang! Sinasabi ko lang naman baka kasi iniisip nyo torpe ako..

"Pre yung plano mo nga pala.. Tuloy mo talaga yun?" tanong ni Jr sakin isa sa ka-banda ko

"Oo naman! Ano gusto mo itigil ko yun? Pare naman ayun na yun eh, pipigilan mo pa ako.. Konting suporta naman dyan" ako

Naagpoker-face lang sya sa sinabi ko at nagsalita "OA mo.. tinanong ko lang kung itutuloy mo eh! Hindi naman ako kontrabida sa lovestory mo no extra nga lang ako dito sa kwento mo tapos ako pa ang pipigil sayo, mahiya naman ako diba?kapal ng mukha ko nun" OA din nyang pagsabi

Wala ng pag-asa tong lalaking to -_- Binatukan ko na lang sya at sabay na kami lumabas ng music room.

Paglabas namin, Uyy sakto nakita ko si Jamey na nakaupo sa may isa sa mga upuan sa study area..Pag ssineswerte ka nga naman oh! sumenyas ako kay Jr na mauuna na ako at lumapit na ako palapit kay Jamey..

Nakatalikod sya sakin..Pumulot ako ng maliit na bato at ibinato ko sa kanya..

"Hindi tumama tsk" isa pa nga pulot ulit..

*Bato*

"Pucha ayaw pa rin" isa pa ulit..

Tss sa huli naka-anim bato na ako pero hindi pa rin tumatama nagmukha lang siguro akong baliw dun kanina! Ano ba meron sa babaeng to? May shield yata to -.-

Napakamot na lang ako ng ulo at lumapit na lang papunta sa kanya.. Nasa tabi nya na ako pero di nya pa ako napapansin.. Nanonood kasi ng mga nagbabasketball tss.

"Booo" ginulat ko sya pero fail naman ako nakatingin lang sya ng diretso sa akin at tumaray.. Ibang klase tong mahal ko ah..

"Psh! Ka-lalaking tao laging fail! Ano nanaman kailangan mo? Nandito ka nanaman ba para mambwisit? Nagwagi ka na okay? Makita ko pa lang mukha mo bwisit na bwisit na ako" tuloy-tuloy nyang sabi.. SUS! Pakipot lang to.. Kunwari pa pero crush naman ako tsk tsk mga babae talaga oh..

Inakbayan ko sya at pilit nyang tinatanggal pero sa huli ako nag nagwagi "Alam mo Jamey alam ko naman crush mo ako eh.. pwede ka naman umamin sa akin eh di naman ako magagalit.. Malay mo magustuhan ko pa diba?" siniko nya ako.. Aww sakit nun ah kaya naman napatanggal ako sa pagkaka-akbay sa kanya

"Alam mo din Kent.. Kung may aaminin man ako nasabi ko na sayo noon pa at araw-araw ko din yun inaamin sayo! Nabibwisit ako sayo! Yun na yun.. Papansin ka eh no" tumayo na sya at dinala na nag mga gamit nya..

Papansin ako kasi mahal kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon