Chapter 42 - Better That We...

835 34 7
                                    

LARA'S POV

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalabas ako ng ospital. Umiiyak pa rin. Hindi ko alam kung san ba ko pupunta, sobrang bigat lang ng nararamdaman ko ngayon at gusto kong magpakalayo. Ayokong madatnan ako ni Mama na ganito itsura ko, ayokong makadagdag sa problema.

Hindi pa rin mag sink in sa utak ko yung mga nangyayari. Panaginip lang ba to? Para lang akong nanakawan ng hindi ko namalayan. Yung sa isang iglap.. nagbago na lahat. Nawala na yung dating kami.

Tsk.

At hindi ako makapaniwalang nakalabas ako ng ospital na yun, umiiyak ng hindi man lang niya ko hinabol. Hindi man lang niya.. ugh. Ayoko na ngang isipin. Nagawa nga niya kong iwasan ng isang buwan eh. Miski ngayong nakita niya na ko. Wala.

I feel like nothing to him.

Tuloy tuloy parin pagtulo ng luha ko. Ughhhh hindi pa ba tapos? Di pa ba to mauubos? Tangna naman.. hanggang kelan ba to paghihirap na to! Ano bang nagawa ko at nangyayari to sakin..

Tumigil ako sa kinatatayuan ko at napasipa sa punong nasa harap ko. Sinandal ko yung noo ko sa puno.. *sniff* pati puno nadadamay na sa mga problema ko. Huminga ako ng malalim at nagpunas ng luha, walang patutunguhan tong pagiyak ko. Nagmumuka lang akong tanga eh.

Tumalikod ako at tumingin ako sa paligid ko.. ang dami palang tao dito. Yung iba pinagtitinginan na ko. Pero lahat sila patuloy lang naglalakad, patuloy lang sa ginagawa nila. Para bang ako lang yung taong nakatigil ngayon at nagso-slow motion lahat.

Sana nga.. sana nga ganito na lang talaga ang mangyari. Mag slow motion ang lahat. Pagod na ko, pagod na pagod na ko. Ngayon lang ako napagod ng ganito. Ngayon ko lang naramdaman na.........

na parang ayoko na. Kasi ang sakit sakit na.

Umupo ako saglit sa isang bench, para na rin makapag-isip isip. Pinunasan ko  ulit yung muka ko dahil muka akong bata, iyak ng iyak sa kalsada. Baka isipin na ng mga tao dito napa-praning na ko. Tapos tinititigan ko pa sila ng ganon. Shet -_- 

Wahh ang sakit sa ulo!! =_______= namumugto na agad yung mata ko. Ang hirap pang huminga. Di lang mentally  hurt, physically pa! Bwisit naman talaga

Naramdaman kong parang may nakatingin sakin. Leche wag niyong sabayan sakit ng ulo ko at baka anong magawa ko sainyo. Huminga ako ng malalim at hindi ko na lang pinansin..

"I can't win. I can't rain. I will never win this game without you.. without you" napatingin naman ako bigla kung san nanggagaling yung nagpapatugtog.

May tumigil na motor sa may likod ko para bumili ng ice cream at nagsa-soundtrip ng pagkalakas lakas. Kala mo siya lang nakakarinig ng patugtog niya eh. Di ka nakakatuwa kuya pati yang soundtrip mo hindi nakakatuwa.. naalala ko tuloy nung kinanta to sakin ni Daniel. *sigh*

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon