Chapter 9

2.7K 139 34
                                    

Suji's POV

Kinabukasan, isang normal na araw ang bumungad saken. Syempre joke lang yun!

Eh kase naman. Paglabas ko ng bahay, may nakita akong lumiliwanag na tao na may star star pa sa paligid niya. Oha! Dejoke, nakita ko lang naman kase si Myungsoo sa tapat ng bahay. Luh. Eh kase naman, wala namang rason para magpunta siya sa harap ng bahay namin ng umaga diba? So, siguro nagha-hallucinate lang ako.

Tsk tsk Suji, ayan kase masyado mong iniisip si Myungsoo! Pero pero kase naman! Ang weird niya kaya ngayong mga nagdaang araw. Parang di na siya yung Myungsoo na kilala ng lahat.

Kinusot ko yung mata ko pero andun pa rin siya, nakatitig pa sa akin. Ano ba naman po ito?! Anyway, lalagpasan ko nalang. Oo! Genius mo talaga Suji!

At ayon nilagpasan ko nalang siya. Mission Complete!

"Iniiwasan mo ba ako?"

Eh?

Pati boses niya? Naririnig ko na rin! Oh c'mon mamon! Ano bang meron sa akin ngayon?! Kalma Suji, kalma. Wag mong pansinin iyong nasa likod mo. Diretso ka lang sa school kase malelate ka na!

Kaya ayun, sumakay na ako ng bus at nakapunta na ako ng school.

Pagdating ko ng school. Wala, wala namang nang-yari. Umattend lang ako ng klase, nakipagdaldalan kay Hyeri, at kumain ng kumain. Uwian na pero hindi ko pa rin nakikita yung tao gumugulo ng utak ko. Asan na kaya iyon? Kahit ang Infinite wala rin.

"Mussseeeeeeeeeeee!" Isang manipis na boses ang narinig ko, sino pa nga ba? Edi si Sungjong!

"Hi Sungjong! Ngayon ko lang kayo nakita ah!"

 

"Ay, busy kase kami eh. Nagpa-practice kase kami para sa isang contest!"

 

"Talaga! Wow naman! Goodluck! Kaya niyo yan syempre, kayo pa! Susuportahan ko kayo jan!"

 

"Salamat muse! Dapat lang! Eh teka, asan si Loverboy?"

Loverboy? Sino yun?

"Sino si Loverboy?"

I'm Infinite's Muse?!Where stories live. Discover now