MCB 20

5.4K 133 22
                                    

Eto na ang last chapter, sad to say na sad ending ito. hahahaha! pero wag kayo, ituloy niyo nalang pagbasa dahil may surprise ako sa inyo. MWUEHEHEHEHE! *evil laughs* *wag uto-uto*

Dedications? 

~~

Angelo's POV

Nang matapos naming kumanta nagulat ako nang tumakbo si Kathy.

Tinawag namin siya kaso hindi siya lumingon kaya tumakbo kami pababa ng stage at sinundan siya. Nauna na mga babae sa amin kaya we followed their tracks. Feel ko talaga may masamang nangyayari.

Saan ba pwede pumunta si Kathy?

"Ba ka sa Secret Garden!!" out of the blue kong sabi.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yun nasabi pero kahit ako nagulat din.

"Secret garden? Meron ba 'nun?" tanong ni Hugh.

*POK*

Binatukan ni Ken si Hugh.

"Tanga ka? Malamang hindi natin alam kasi nga secret diba?" pilosopong sabi ni Ken kaya binatukan naman siya ni Kara.

"Akala ko ba tapos ka na sa pangttrip mo?" galit na sabi ni Kara sa kanya.

"Sorry naman po baby. Nagsasabi lang nang totoo." sabi ni Ken pero alam kong may halong loko ito sa pagkasabi niya.

Ilang araw na rin kasi, nagpapakatino na si Ken para kay Kara. Wow Matino? Big word! Aisshh! Ano ba Angelo?!?

 

"Ugh! I hate you Ken!!" inis na sabi ni Kara at hinampas si Ken.

"Mamaya na nga kayo jan mag-LQ. Angelo, ituro mo sa amin 'yung secret garden na 'yun. I don't know kasi the way there eh." sabi ni Mara kaya naglakad na kami.

**

Pagdating namin sa Secret Garden, wala kami nakita ni anino o kahit si Kathy dito.

"Tara na guys." sabi ni Carlo.

Tumalikod na 'yung iba habang ako naman minamasdan pa din 'yung paligid.

Impossible namang hindi pumunta dito si Kathy. Sinabi na niya sa akin dati na pag malungkot siya, dito lang siya pumupunta.

Nang mapatingin ako sa swings, nagulat ako at parang may papel sa upuan.

KathNiel: My Cousin's BoyfriendWhere stories live. Discover now