Chapter 44

266 6 3
                                    

Vien's POV
"Hey, Vien! You okay?" Mga huling salitang narinig ko bago ako nahimatay.

"Mmm.." I murmered. Sakit pa rin nong ulo ko, hilong hilo pa rin ako. "Shams?" Tawag ko kay Shammy.

"Ayy, bakla ka! Buti nalang dumating kami kanina! Ano bang nangyayari sa'yo at yung asawa mo nasaan ba!? Tignan niyo to, walang pinagbago ang lakas pa rin ng boses.

"Pinaalis ko." Gulat ako kasi binatukan pa ako. Anong klaseng kaibigan ba'to. Hays.

"Eh ba't mo pinaalis!? Nag away kayo no? Sus, Vien, wag pairalin ang pride. Pano na kong hindi ako dumating."

"Ang O.A mo! Tumigil kana nga diyan, pati baby mo baka nagagalit na rin eh no?" Biro ko sakanya.

Bumukas ang pinto habang nag uusap kami ni, Shams.

"Good morning Mrs. Guerrero." Bati ng doctora sakin.

"Good morning din, doc. Ano ho bang nangyayari sakin?" Tanong ko agad sa doctor.

"Congratulations, Vien. You're now a mom." Nagulat ako sa sinabi ng doctor at hindi kayang idigest ng utak ko.

"Waaahhh.. Congrats, bes! Hoo.. Parehas na tayo." Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ta--talaga po?" Naiiyak na tanong ko sa doctor.

"Yes, it's positive. So, yang mga nararamdaman mo ngayon, normal lang yan. Kumain ng healthy foods, especially fruits and wag kang magpapagod at magpa stress, bawal yun sa buntis. I'll just call you for your follow up check up. Sige, mauna na ako sa'inyo. Yung mga reseta kong vitamins and milk, ipapadala ko na lang dito sa mga nurse." Sabi nong doctor at umalis na.

Umiiyak na ako sa saya pero may kahalong lungkot kasi yung tungkol kay, Faye.

"Ikaw naman ang O.A, Vien, hindi ka ata happy sa baby mo eh." Sabi ni Shammy sakin.

"Hindi ganun Shammy, alam mo kasi ganito.." Nagsimula na akong mag kwento sakanya kasi hindi ko na kayang solohin pa.

"Sorry bes. Ano nang balak mo ngayon?" Nag aalalang tanong niya sakin.

"Hindi ko alam, Shammy. Lalo na ngayon pareho kaming buntis."

"Patay tayo diyan, pero ikaw yung asawa eh."

"Hindi mo alam yung nararamdaman ko, Shams. Naawa ako sakanya at sa anak niya at naaawa rin ako para sa anak ko." Sabi ko na lang at umiyak na.

"Sshh.. Tahan na. Nandito lang ako. Kung ano man ang magiging desisyon mo, susuportahan kita kasi alam ko na alam mo ang ikakabuti mo."

Napapunas ako ng luha na wala sa oras ng bumukas ulit ang pintuan.

"You okay, Babe?" Tanong ni Oliver ng makalapit siya sakin.

I smiled "I'm okay now, nothing to worry." Sabi ko.

"Alam mo kasi Oliver yang si Vien---

"Nahihilo ako nahihilo ako nasusuka, Shams tulongan mo'ko.."

Dali dali naman siyang lumapit at kinurot ko siya.. "Aray ko naman Vien!" Sigaw niya sakin.

"Ikaw naman kasi eh hindi ka nag iingat." Sabi ko at na gets niya naman ata.

"Oo na! Sige na, mauna na kami sa'inyo." Paalam naman ni Shams at Hurley. Kami na lang ni Oliver ang natira

"Ano bang sabi ng doctor sa'yo? Tanong ni Oliver.

"Wala, pagod lang daw. Kailangan ko lang daw ng pahinga." Palusot ko sakanya at ngumiti.

"Ohh.. Wag ka na kasing mag pagod. Yan tuloy."

Ako at ang boyfriend kong artistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon