Chapter 31: Shades

10.3K 206 21
                                    

Chapter 31: Shades

"Paimportante naman yang kaibigan mo. Sabi niya gusto niya tumulong tapos tayo pa pupunta sa kanya" reklamo ni Enan. "Syempre tayo may kailangan e, don't worry malaki apartment niya at siya lang ang nandon" sabi ni Violet. "Teka suspicious name ang Scarlet, lalake yan ano?" sabi ni Enan kaya natawa yung dalaga.

"Yup" sabi ni Violet. "Ay Confirmed! Ang tanong magaling ba talaga yan?" tanong ni Enan. "Oo naman, isa siya sa mga choreographer namin. He dresses like a guy, looks like a guy, talks like a guy pero girl in heart" sabi ni Violet. "Kasi di pa siya officially out ano?" tanong ni Enan. "Official na no, ganon lang talaga siya" sabi ng dalaga.

Pagdating sa apartment ni Scarlet nagulat si Enan nang makita ang isang matipunong lalake na bumukas ng pintuan. Humakbang agad si Violet at nakibeso kaya pigil tawa si Enan. "Tol" bati ng binata, "Uy tol" sagot naman nung lalake kaya siniko ni Violet si Enan.

"Scar, eto pala si Enan" pakilala ni Violet kaya inabot ng binata kamay niya. "So is he single? You both have to be single or else magkakaroon ng complications and we don't want that" sabi ni Scarlet. "Bakit magkakaroon ng complications?" tanong ni Enan.

"Nagbibiro ka ba?" tanong ni Scarlet. "Hindi, wala ako ideya sa gagawin" sagot ni Enan. "Oh..pasok kayo. I was doing some research sa dances posted sa Youtube. Halika at panoorin mo yung nakasalang sa laptop ko para magka ideya ka" sabi ni Scarlet.

Ilang segundo palang napatayo si Enan, "Its okay if you want to back out" sabi ni Violet. "Hindi pero madaming.." sabi ng binata. "Touching, yes madami. Kaya dapat single kayo pareho at comfortable kayo sa isa't isa" sabi ni Scarlet. "Kaya ikaw pinili kong partner kasi I trust you" sabi ng dalaga. "Okay, I understand" sabi ni Enan.

"Okay alam ko magaling siya sumayaw, ikaw wala ako ideya sa anong kaya mo kaya show me" sabi ni Scarlet. Pabirong gumiling giling si Enan parang macho dancer kaya natawa si Scarlet at inuga ulo niya. "Yung totoo na" sabi niya. "Yun lang" sabi ni Enan.

"Violet! Saan mo ba napulot ito? Ano siya macho dancer sa gay bar?" tanong ni Scarlet kaya natawa yung dalaga. "Hindi pa ba sapat yon? Napakita ko naman flexible katawan ko ah" sabi ni Enan. "Oo pero sa isang eksena ng sayaw maybe. Alangan na buong sayaw ganon nalang gagawin mo tapos ano siya iikot ikot sa iyo?"

"Di mo kasi pinanood ng buo yung video" sabi ni Scarlet. "Fast learner siya, I know he can do it" sabi ni Violet. "If you say so. O sige, you two go change and warm up. Ihahanda ko yung sound system ko" sabi ni Scarlet.

Ilang minuto lumipas lumabas si Enan ng banyo suot lang ay shirt at shorts. Sumunod si Violet mula sa isang kwarto, suot ng dalaga ay tight fit sleeveless top at maiksing skirt sa ibabaw ng cycling shorts. "Warm up muna kayo, Violet turuan mo siya banat mabanat lahat ng buto niya" sabi ni Scarlet.

Habang nagwawarm up natatawa si Enan, "Pag ganito kaya ginawa kong warm up sa basketball? Malamang pagtritripan ako ni Greg" sabi ni Enan. "Si Scar naglalaro din ng basketball" sabi ni Violet. "Scar kung forward ka sali ka sa amin next liga" sabi ni Enan.

"Aba, parang ikaw palang ata yung unang tao na alam gay ako at di nagulat na naglalaro ako ng basketball" sabi ni Scarlet. "Bakit ako magugulat? E sa NBA nga meron, sa National Football League ng States meron din, pati nga sa Wrestling meron" sabi ni Enan.

"Ay meron ba? Good to know, after ng warm up niyo we start the comfort exercises. Kailangan kasi natin na ma acquaint niyo sarili niyo sa isa't isa para wala nang awkwardness later on" sabi ni Scarlet. "May song na ba?" tanong ni Violet.

"Meron tatlong pagpipilian, saka na yon. We start the basics first, kailangan talaga mawala yung arte niyo. Gusto ko pag nagstart na talaga tayo sa dance proper wala nang inarte o kyeme kyeme" sabi ni Scarlet.

Artistahin: FINAL CUTحيث تعيش القصص. اكتشف الآن