Alam mo ba? [Oneshot]

18.9K 1.1K 279
                                    

Alam mo ba? Nung una, naiinis ako sayo. Paano ba naman eh nalink ako sayo. Ayaw ko pa naman ng mga ganun. Ewan ko kung bakit, sabi kasi nila gusto mo ako.

Alam mo ba? Hindi ako naniwala. Kasi naman, suplado ka. Tuwing kinakausap kita, tipid lang ang sagot mo. Minsan hindi mo pa ako tinatapunan ng tingin. Snobber ka din eh. Leche.

Alam mo ba? Ang una kong nagustuhan ay ang best friend mo. Mabait kasi, medyo pasaway nga klang pero gentleman. At nakakatuwang kausap.

Alam mo ba? Nalaman kong may gusto pala sayo ang best friend ko. Sabi ko sa kanya tutulungan ko siya. Magiging tulay ako. Pero tumanggi siya. Hindi mo naman daw siya magugustuhan. Ako daw kasi ang gusto mo. Hindi naman yun totoo, di ba?

Alam mo ba? Hindi ako nakinig sa kanya at isinagawa ang plano ko. Chinat kita nung araw na yun. Syempre kelangan sesegway muna ako. Hindi pwedeng dire-diretso. Pero joke lang yun. Prangka ako eh. Kaya tinanong ko, anong type mo sa babae?

Alam mo ba? Nabigla ako sa sagot mo. Ang ineexpect ko kasi ugali. Mga characteristics ng ideal girl mo ganun. Pero ang sagot mo? Yung katulad ko. Tsaka ka nag-offline.

Alam mo ba? Hindi ako makatulog nung gabing yun. Ewan ko ba. Hindi naman yun yung first confession na nareceive ko, pero ewan. Pumunta ako ng CR nun para maghilamos, pero nabigla ako sa nakita ko.

Multo.

De joke. Nakita ko ang sarili ko… na nakangiti.

Bakit ako nakangiti?

Alam mo ba? Nung gabi ding yun, napaniginipan kita. Hindi ko na ikwekwento yung nangyari sa panaginip ko. Nakakahiya eh. Basta, masayang panaginip siya. Andun ka eh.

Alam mo ba? Nung nagkaroon na ulit ng pasok, hindi ko mapigilang mapatingin sayo. Hindi ka naman gwapo, pero hindi ko maialis ang mga mata ko sayo. Tapos nahuli mo ako. Agad ko naming iniwas ang tingin ko na parang walang nangyari. Pero napangiti ako. Ibig sabihin tinitingnan mo din ako, di ba?

Alam mo ba? First time kong natuwa dun sa mga may project tayo sa MAPEH? Dahil kasi doon, naging magkagrupo tayo. At ang role pa natin, mag-asawa. Pero hindi ako natuwa doon. Ang corny kasi ng lines. Pahirapan yung mga salita na lumabas sa bibig ko. Ikaw naman tawa ka ng tawa. Tapos naubo ka. Kaya ako naman ang tumawa.

Alam mo ba? Ngayon lang ako nalito ng ganito sa pakiramdam ko. Naiinis na natutuwa. Nauntog kasi ako nung nagprapractice tayo sa role play. Tinawanan mo ako kaya nainis ako sayo. Gago ka eh. Tapos sinabihan mo akong cute. Sabi mo ang cute ng pagkaclumsy ko. Naiinis ako kasi sinabihan mo akong clumsy pero natutuwa ako dahil sabi mo cute ako. Ang laki ng epekto mo sa akin.

Alam mo ba? Feeling ko nagugustuhan na kita. Napapangiti kasi ako kapag katext o kachat kita, tapos ang saya saya ko kapag kausap kita. Ang abnormal ng heartbeat ko kapag nakikita kita, tapos lagi na lang kitang naiisip.

Alam mo ba? Sinubukan kitang iwasan. Kasi crush ka ng best friend ko eh. Feeling ko ang traydor ko. Kaso nahalata mo ako, kaya tinanong mo ako kung may problema ba. Oo, meron. Gusto na ata talaga kita. Kaso, hindi pwede eh.

Alam mo ba? Nakaramdam na naman ako nung halo-halong emosyon dahil sayo. Natutuwa ako na nalulungkot. Inamin mo kasi sa akin na mahal mo ako. Natuwa naman ako. Sino ba naman ang hindi matutuwa pag nalaman nilang gusto din sila ng gusto nila? Kaso nalungkot din ako. Hindi ko kasi pwedeng sabihin sayo na gusto kita.

Alam mo ba? Alam pala ng best friend ko na gusto kita. Halata naman daw. At sabi niya, okay lang daw. May bago na kasing crush ang luka. Para naman akong nabunutan ng tinik.

Alam mo ba? Noong araw ding yun, dapat aaminin ko na sayo ang nararamdaman ko. Kaso, huli na.

Aalis ka na pala ng bansa. Sa Calfornia mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo.  Hindi mo naman sinabi.

Hindi na kita naabutan.

Alam mo ba? Sa dami ng sinabi ko, meron ka pang hindi alam.

Alam mo ba? Maghihintay ako. Kahit gaano katagal.

Kasi..

Alam mo ba? Mahal kita.

Alam mo ba? [Oneshot]Where stories live. Discover now