Chapter 3 - (THAT PHONE CALL)

1K 129 43
                                    

GL_3

(THAT PHONE CALL)

——-

Rheema's POV

Nakarating din kami matapos ang mahabang paglalakbay, halos puro kaen at tulog lang naman ang ginawa ko sa buong biyahe. Noong nasa barko na kami, doon lang ako hindi natulog dahil pinagmasdan ko ang dagat at saka namangha ako sa mga batang tumatalon mula sa barko at sisisid para kuhain ang baryang hinagis ng mga pasahero. Kung sa Manila kasi ang paraan ng paglilimos ng mga kabataan ay through jeepney and giving some small envelopes, dito naman ay sa pagsisid nga sa ilalim ng dagat para makakuha ng katiting na barya.


Ang ganda pala ng mansion dito sa probinsiya. Ang laki niya, mas malaki pa sa bahay namin. Tapos may hardin pa, ang gaganda ng mga halaman at bulaklak pero may nahagip yung mga mata ko. The coffin of my late Lola, a sad smile form in my lips. Maraming tao ang mga naka-upo doon sa gilid at lahat sila hindi ko kilala.

Dumiretso na lang ako papasok sa bahay at umakyat papunta sa silid ko raw. Inayos ko ang mga damit ko at nagpahinga na sa kama. Nakakapagod kaya ang biyahe, halos 24 hours din 'yon. Hindi na kasi nakapagbook ng flight si Mom dahil sa pagmamadali. 

Hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

Makalipas ang ilang oras, nagising din ako. Dinilat ko ang mga magaganda kong mata at nag-inat inat. Madilim na ang paligid at nakakarining na rin ako ng tunog ng mga kung anu-anong insekto. Gabi na pala, ang haba pala ng tulog ko, mga limang oras din ata.

Agad kong inabot ang phone ko na nasa gilid lang kama, titingnan ko kung may nagtext.


From: Unknown number

Good Evening sunget. Condolence nga pala sa pamilya mo. Sana nakarating kayo ng ligtas.


Woah tinext niya ko ng seryoso.  Nakakapanibago. May side pa rin pala siyang matino. 

Isang simpleng thank you na lang ang nireply ko sa kanya.


-

Mabilis lumipas ang mga araw kahit na wala akong masyadong ginagawa. Ang boring nga e, puro lang ako asikaso sa mga nakikilamay kahit di ko sila kilala. 'Yong iba nakilamay lang ata para sa libreng merienda at kape, hay tao nga naman.

Today is my 4th day. Hindi pa naman ako naho-home sick kahit papaano. Ngayon kami maliligo sa ilog at medyo na-eexcite ako kahit na hindi ako marunong lumangoy. Mahaba-habang lakaran ang ginawa namin para lang makarating sa ilog, pinili kasi ng mga pinsan kong maglakad kaysa sumakay sa kotse. 

Hindi na rin ako masyado nakakatanggap ng mga text message mula sa mga bestfriends ko dahil sa hina ng signal sa loob ng mansion. Hindi ko tuloy sila makontak.

Dumaan kami sa malubak-lubak na daan hanggang sa marinig ko na ang lagaslas ng tubig sa ilog. Malinaw na malinaw ang tubig, nakikita ko ang malalaki at maliliit na bato sa ilalim. Napapangiti ako sa ganda ng tubig, nakaka-akit talagang maligo.

Nagulat na lang ako nang maglaho ang mga pinsan ko isa-isa. Nagdive silang lahat at iniwan nila akong nakatayo dito. Umupo na lang muna ako dito sa malaking bato habang nakalublob ang paa ko sa tubig. The scenery is very relaxing, and also the cold water from the stream.

I suddenly close my eyes and seize themoment.


♬♬♬ ♬♬♬

Graveyard Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon