Part One

9.6K 172 6
                                    

==========================================================

Sa bayan ng San Ramon, nakatira ang isang dalagitang nagngangalang Rebecca.

Siya ay sadyang masayahin at gustung-gusto niya ang nakikisalamuha sa mga tao. Kaya nga pangarap nitong maging isang Social Worker ay para makatulong sa mga tao at makakilala ng iba't ibang klase ng tao.

Nasa ika-apat na taon pa lamang ng High School si Rebecca sa Mataas na Paaralan ng San Ramon.

Marami itong kaibigan subalit mas malapit ito kay Agnes. Si Agnes ay may kaitimang dalaga. Tanging si Rebecca lang ang naging kaibigan nito dahil siya lang ang kaisa-isang lumapit sa kanya para makipagkaibigan.

Tila ba ang tingin ng ibang estudyante kay Agnes ay may isang nakakahawang sakit na maski tingin ay hindi nila ito matapunan.

"Becca, salamat sa sandwich ha!" Nakangiting pasasalamat ni Agnes kay Rebecca.

"Naku wala iyon. Masarap ba?" Tugon naman ng butihing dalaga.

"Naku! Ang sharap kaya!" Puno pa ang bibig ni Agnes ng nagsalita ito. Nagtawanan na lamang ang magkaibigan.

"Rebecca!"

Hinanap ni Rebecca kung nasaan ang tumawag sa kanya. Mga naglalakarang estudyante lang naman ang nakita niya. Tumayo pa ito mula sa pagkakaupo sa kahoy na mahabang upuan para makita ang tumatawag sakanya.

Hanggang sa mahagip ng kanyang paningin si Yael. Kasintahan niya.

Ngiti ang isinalibong ng dalaga sa kanyang minamahal. May hawak si Yael na dalawang supot ng softdrinks.

Masaya niyang ini-abot ang isang supot kay Rebecca at ibinigay naman ang isa kay Agnes.

"Shalamat Pogi!" Ani Agnes.

Ngiti lang ang iginanti ni Yael. Lumapit ng bahagya si Yael sa kanyang kasintahan. "Hindi ba sinabi ko sayong huwag kang didikit-dikit sa kanya." Bulong ni Yael kay Rebecca.

"Tumahimik ka baka marinig ka. Ilang beses na nating napag-usapan to. Kaibigan ko siya. Okay?" Bulong din ni Rebecca na may kasama pang kurot sa tagiliran ni Yael.

Napakamot na lang sa ulo ang binata.

Naupo na lang ulit si Rebecca para tabihan ang kaibigang masayang kumakain.

"Ang bait mo talaga Becca. Dahil dyan, may surprise ako sa iyo!" Sabi ni Agnes pagkalunok ng huling kagat ng sandwich.

"Talaga? Ano naman iyon?" Tila excited na sabi mi Rebecca.

Nakitabi na lang din si Yael sa tabi ni Rebecca.

Tumayo naman si Agnes at nagpagpag sa kanyang unipormeng palda.

"Isasama kita sa amin!" Masayang pamamalita ni Agnes.

Tumayo din si Yael ng biglaan kung kaya't nagulat si Rebecca.

Mababasa sa gwapong mukha ni Yael ang pagtanggi sa alok ni Agnes.

Irap lang ang natanggap ng binata sa kantang nobya.

"Oo ba!" Sagot na lang ni Rebecca.

"Yes!" Ani Agnes na sa sobrang saya ay nagtatatalon pa ito.

"Pwedeng sumama?" Sabat ni Yael habang kumakamot sa kanyang batok.

"Okay sure pogi! Okay lang naman sa akin. Kung gusto mo ay magsama pa kayo ng kahit tatlo pa." Nakangiting saad ni Agnes.

"Magandang ideya yan." Sabay pang sagot ng magkasintahan.

Bayan ng San Pablo - COMPLETEDWhere stories live. Discover now