Chapter 8 - Tension day-te...

3K 69 10
                                    

Chapter 8

Daichi's POV

"Swooooopppssshhh!!! Aaaahh!------"DAIICCCHHII!!!! ALIS NA TAYO!!" rinig kong sigaw ni Sayuri sa kwarto! Anak ni Majinbu naman o, sarap pa ng kain ko dito aalis na kami? san ba kase ko dadalhin ng babaeng to? makapagbihis na nga!

" DAICHI ANO TAPOS KA N-----"psssh!!" lagay ko ng daliri ko sa bibig niya,"tapos na po! ano tara na?" sabay hawi naman niya ng kamay ko

"hmp! sige!"

pasimpleng tawa naman nung Youko..

"Youko ano ka ba, tumigil ka nga dyan,tssshh.." bulong naman ni Sayuri, hehe rinig ko naman

Paglabas namin ng Condo, bumungad naman sa mata ko ang isang asul na kotse! Kaya napatakbo ko dun! at binuksan ang pintuan ng kotse, bukas na eh:P

" Uy! ayos to ah?! Innova pa nga! astig din ng car accesories! kaso ano to? ahahaha!! si doraemon? sayo ba tong kotse Sayuri Chan??" nang bigla naman akong piningot ni Sayuri pagbukas ko ng bintana!

" Aray!! bakit nanaman?" tanong ko!

" Hanep ka rin talaga eh nu? nakasakay ka na't lahat tyaka mo pa lang tatanungin kung kanino yan? kay Youko chan yan noh!! baba!"

"Ay sayo pala to Youko Chan! Gomenasai! (sorry) " at bumaba na ko, nahiya naman ako bigla *kamot ulo*

" Okay lang, wow! Youko Chan din tawag mo sakin?!hehe!"

" tsshh..lahat naman ng naririnig nyan, ginagaya niya eh! akin nga, narinig niya lang sayo na sayuri chan tawag mo sakin, yun narin tawag niya! Oy Daichito! mukhang hindi mo first time makakakita ng sasakyan ah? tinuro rin ba yan sayo ni grandma sexy mo?"

nga pala, ang alam niya, isa lang akong ordinaryong mannequin na binuhay!

"aah e..oo.. nabanggit niyang uso sa mundo niyo ang sasakyan..hehe"

" Ganun? ayos ah? aah sige dun ka na sa likod, dito kami ni Youko sa harap.."

" ako lang mag-isa sa likod? Hindi mo manlang ba ko tatabihan? diba dapat ang magsyota magkatabi?"

" Oo nga naman Sayuri Chan! dahil may kontrata naman kayo, panindigan niyo na! dapat masanay ka ng laging katabi si Daichi dahil magsasama kayo ng 50 days diba?hihi!"

" O! narinig mo ang bespren mo Sayuri Chan ah! tabi daw tayo! kaya halika na dito" kinindatan ko siya sabay hila ko sa kanya at pinagbuksan siya ng pintuan.. " After you. "

"A-arigatou(thank you).."--" O ulo mo ha? yan..okay!" at sumakay narin ako, pinaandar narin ni Youko ang kotse..

" Ang gentlemannequin mo naman Daichi!hehe" - Youko

" Eh diba ganun naman talaga ang gawain ng matinong boyfriend?" ginagawa ko rin kaya yun nung hindi pa ko sinusumpa?

" Aah Sayuri Chan, san ba tayo pupunta?"

" sa restaurant.."

" kakain tayo? Yess!!!"

" wag mong sabihing gutom ka pa niyan? eh diba kumain ka na kanina?"

"Bitin pa kaya ko, dalawa lang nakain ko, tapos sumigaw ka pa biglang aalis na tayo. "

" tsshh..ibang klase talaga yang sikmura mo, ako nga isang cup noodles lang solve na eh, ikaw naman dalawa na, bitin ka pa?"

" Sayuri babes, intindihin mo naman ako, dalawang beses sa isang araw lang ako kumakain o.." tampo epek ko!

" A-anong tinawag mo sakin?"

Fifty Dates With the Midnight Prince (REVISED) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon