Chapter 40 Love is in the Air

3.2K 53 14
                                    

KISHA'S POV

Nagising ako na may nakayakap sa baywang ko, pag tingin ko isang gwapong anghel na mahimbing na natutulog.

Parang biglang uminit ang mukha  ko ng maalala ko ang mga nangyari kagabi. Totoo pala lahat ng 'yun? Hindi pala ako nanaginip. Bigla tuloy ako nahiya. Pinagmasadan ko lang ang gwapong mukha ng Hubby ko. Grabe ang gwapo niya. Napaka perfect ng features ng mukha niya, napa tingin naman ako sa kanyang oh-so-red lips na parang nang-aakit na halikan ko siya.

Hindi naman siguro masama kung ikikiss ko siya noh? isa lang naman eh. hihi tsaka tulog pa ang hubby ko, hindi niya naman malalaman wag kayo maingay.

Pumantay ako sa kanya at maingat na dinampi ang labi ko sa labi niya, ang sarap. XD ang lambot ng labi ng Hubby ko.

Pag alis ng labi ko sa labi niya ay pinagmasdan ko siya at napansin ko na biglang nag form ng smile ang lips niya.

"Goodmorning Wifey ko" naka ngiting bati niya sabay mulat ng mata niya.

OMG nakakahiya!!!!

"K-kanina ka pa gising?" nahihiyang tanong ko, ni hindi ko siya matignan, kasi naman baka isipin niya minamanyak ko siya ang aga-aga, kahit totoo naman. XD

"Not really, nagising lang ako ng may maramdaman na malambot na bagay sa labi ko, ano ba yon Wifey?" pa inosenteng tanong niya, napatingin tuloy ako sa kanya, yung kaninang ngiti niya naging sobrang lapad na. Nahampas ko tuloy siya.

"Kunwari ka pa diyan, bangon kana nga maaga klase mo ngayon" pag-iiba ko sa usapan

Maaga ang pasok niya ngayon samantalang ako mamayang tanghali pa, Yung scehd namin magkataliwas.

"Opo babangon na" tumayo siya, kaya naman napatakip ako sa mata ko,  >__< kasi naman eh, wala siyang suot na kahit na ano

"Oh Wifey? bakit nakatakip ka diyan?" natatawang tanong niya

"Ano kaba Chase, magbihis ka nga" singhal ko sa kanya, nakatakip pa din ako

"haha bakit pa eh nakita mo na rin naman 'toh ng buo kagabi ah, nahawakan mo pa nga eh"

"kyaaaaaah Chase tumigil ka" sigaw ko

"Wifey yung boses umagang umaga, oo na heto na po magbibihis na"

"you can take a look now" sabi niya, kaya naman dahan dahan kong tinanggal ang ang takip sa mata ko at nakita ko nakabihis nga siya, naka boxers siya at sando na kulay white, ang hot tuloy niyang tignan ano ba yan ke-aga aga ang init ng atmosphere dito sa kwarto

"sige na maligo kana Hubby"

"tayo ka muna" ayan na naman yung nakakalokong ngiti niya

"PERV" sigaw ko, alam naman niya na wala akong suot na kahit na ano tas patatayuin pa niya ako

"sayo lang ako perv Wifey ko"

"Male-late kana, maligo kana"

"opo heto na papasok na sa CR" pumasok na nga siya, patayo na sana ako ng buksan niya muli yung pinto ng CR at

"Baka naman gusto mo sumabay? Hindi ko ila-lock ang banyo, Wifey."  nabato ko tuloy siya ng unan, kaya naman tumawa siya ng malakas ng isara niya ang pinto ng Cr, ang lalaking 'yun talaga

dinampot ko na ang mga damit ko at sinuot na, bumaba narin akong kitchen, balak kong magluto, you know i want to be a perfect wife, tutal nagluto na rin ako kagabi kaya lulubusin ko na

I'm preparing fried rice, sunny side up egg, bacon, hotdog, at toasted bread ng may maramdaman akong yumakap sa bewang ko. Okay hindi na kailangang manghula. Siya lang naman ang mhilig sa pagkayakap eh.

You Got MarriedWhere stories live. Discover now