Huli ka na at Luma ka na (one-shot story)

6.2K 188 62
                                    

Hello! Eto na, may bagong one-shot. Maka 1D 'to kaya hi sa mga directioners dyan ^_^ Hindi po ako directioner, hindi din ako nila hater. basta ganun xD This is by request only. hahah 

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Huli ka na at Luma ka na

written by stainless_pen ♥

"Ok, time's up! Pass your papers!"

Uwaaaaaaa! Wait laaaaaang! Isang tanong nalang! Wooooo! Go Ana! Go! Kaya mo to!

teka, ano bang sagot dito?

"Pass your papers or else I will not accept it anymore. In 5.... 4.... 3.... 2....1---"

After 30 seconds

"Ma'am, maawa ka na po, tanggapin niyo nalang po puhlease?" pagmamakaawa ko kay ma'am with matching puppy eyes pa.

"Sorry miss Yuzon pero you're late already. I gave you an extension of 5 seconds pero hindi mo parin pinasa. I'll go out now."

"o-ok ma'am."

Yun nalang ang tanging nasabi ko kay ma'am at tuluyan na siyang lumabas. Bumalik na ako sa upuan ko pero bago pa ako nakarating dun, may halimaw na kumausap sa akin. Oo, halimaw, halimaw sa kagwapuhan.

"Huli ka na."

"Oo, alam ko." atsaka ko siya binelatan. Bumelat naman siya pabalik sa akin.

Pasalamat ka mahal kita kaya hanggang belat nalang ako sa'yo, dahil kung hindi, sus! Kanina pa siguro kita sinigawan.

Louis Tomlinson. Yan ang pangalan nung halimawng sabi nang sabi sa akin na huli na daw ako. Alam ko naman eh! Kailangan pa bang ipamukha sa akin na huling huli na ako? Matagal na niya yang sinasabi sa akin kapag nahuhuli ako. Kahit sa pagpunta sa school, tuwing nalalate ako, pagpasa ng papers tulad nung kanina, pagpunta sa canteen kahit alam kong tumunog na ang bell para sa susunod na klase, sinasabihan niya parin ako ng HULI KA NA. Nakakainis! Nakakairita! Pero sa kabila ng lahat ng yun, di ko magawang magalit sa kanya. Lecheng puso kasi, lumalakas ang tibok tuwing kinakausap niya ako.

Balita ko pa nga noon, may gusto daw siya sa akin. Di ko lang naman pinapahalata na gusto ko rin siya. Malay mo, bali-balita lang naman diba? Maaring tsismis lang. Pwedeng totoo, pwedeng hindi. Ang hirap kasing umasa, baka masaktan pa ako lalo pag hindi talaga totoo.

"Ana, may practice daw ng sayaw mamaya pagkatapos ng klase, sasali ka ba?"

"uhh, oo, sige, salamat."

Lumingon ako sa direksyon ni Louis, ayun, tama nga ako. Tama lang na hindi ako naniwala sa bali-balita. Katabi niya ngayon si Kaye na sa pagkakaalam ko, ang babaeng nililigawan niya. Balita nanaman? hmm, sana oo, pero mukhang hindi. Mukhang seryoso nga siya kay Kaye. Nililigawan siguro talaga niya yan. Ang close-close nga nila ngayon oh, panay tawa. Ang laki ng ngiti ni Louis. Yang ngiting yan, dyan ako nahumaling eh.

nahumaling? Nyaks, corny ko. =___=

Mabilis namang natapos ang klase kaya tuwang tuwa akong pumunta sa locker at iniwan yung mga libro ko. Pero pagbukas ko palang, may nagpukaw na ng attensyon ko, may 1/4 na papel na nakalagay sa may butas ng pinto ng locker, ang nakalagay...

"Huy, like kita ana."

kung ano mang crocodile ang pumasok sa utak ng taong nagsulat nito ay di ko alam. =__=

Ang hindi ko lang maintindihan, biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Eh sa pangit ko ba namang 'to ay may magkakagusto sa akin? Malabo.

Pinagtritripan nanaman ako nito eh. At kung sino man siya, kung maka "huy" halatang inlove na inlove sa akin. ("=_=)

Huli ka na at Luma ka na (one-shot story)Where stories live. Discover now