Alibi

137 3 0
                                    

Chloe's POV

"ate chloe, pwede ba, wag kang malikut hindi ako makatulog." angal ni Joseph

"Pasensya na, hindi lang talaga ako mapakali." ani ko.

"ayos ka lang ba ate chloe? kanina ka pa ganyan ah. At bakit buglang uuwi tayo ng Pinas. May nangyayari ba?" tanong ni Lauren

Tinignan ko lang sya. Sana nga, maari kong sabihin sa kanila ang tungkol kay Sam. Pero, masyado ng komplikado ang lahat, at malaki na rin ang dinadala nitong dalawang bata na ito.

Ngumiti ako sa kanila at tinapik ang kanilang mga balikat.

"wala, walang nangyayari. Masyado na kasi tayong matagal dito sa Amerika, kaya, kailangan na nating umuwi." Pagsisinungaling ko.

Mga ilang oras pa, nasa Pinas na kami.

Kaya, kailangan ko ng maghanda.

"matulog muna kayo. Matagal-tagal pa ang byahe." ako

tumango lang sila, at maya-maya pa ay nakatulog na ang dalawa.

Ano ng nanyayari. Bakit, bakit napasali sa YOSHIMA si Sam.

Ang YOSHIMA, ang grupong kumakalaban sa amin. Alam nila ang secret/ ghost protocol na itinaguyod ng presidente. sa tngin nila, hindi maganda ang aming mga hangarin.  Ang kanilang paraan ng pag-iisip ay iba. Dinadaan nla ang lahat sa dahas.

Dahas.

Patayan.

Hindi kaya,.... Parte ng YOSHIMA ang

ang

Lalakeng naka-enkwentro namin noong panahon na namatay si Denise.

Jusko. Bakit ngayon ko lang ito naisip?

Sam's POV

"Sh*t ano ng gagawin natin?!" galit kong sabi ka Ralph

"Kumalma." simpleng sagot ni Ralph

I glared at him. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa amin. Eto ako ngayon, nakakulong sa basement ng hindi ko pa kilalang mga tao. Lahat sila naka-mask. Tss. masyado silang marami. Pag-lumaban kami, bka mamatay ako nito ng wala sa oras.

Paano kami makakatakas dito? bantay sarado ang lahat. At nakita ko kung paano kalupit ang security system ng lugar na ito. Swerte nalang namin kung dumating ang iba pa naming mga kasama.

"anong iniisip mo Martinez." tpabulong na tanong ni ralph

tinignan ko sya, nakaupo sya sa sahig at nakasandal ang ulosa pader na tila ba ay ang bigat-bigat ng dala nya. Sabagay, sapat na ang dahilan na nakakulong kami dito para masabing madaming kaming dinadala ngayon.

"kung paano maka-labas dito. yun ang iniisip ko." matabang kong sagot sa kanya.

"huwag ka nang mag-isip. sigradong palalabasin ka nila." ralph

Napakunot ako. Ano ang gusto nitong ipahiwatig?

"anong sinasabi mo. baliw." ako

Tumayo sya at pinagpag ang sarili at ngumiti sa akin.

"HIndi pa ito ang panahon." sya

Baliw na nga itong si Ralph.

Maya-maya pa, may narinig kaming mga yabag. Tumayo kaming dalawa.

HIndi ko alam, pero, talagang kinakabahan ako.

Isang lalaking naka-maskara at 2 pang kasama nya ang pumasok kung saan kami nakakulong. Walang anu-anu ay, hinawakan ako nung dalawang lalaki at pilit inilabas ng kulungan. Naiwan si Ralph sa loob. Samantalang ako pilit na pumapalag.

My Wife's Secret -ON HOLD-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon