Chapter5: Bitter sweet

2.1K 64 6
                                    

Samantha's PoV

"So what happened?" I can't imagine na magagawa ni Kuya Ian kay Irish to. He's an angel turns into a devil.

"Ano ka ba ok lang noh. Keri lang kaya ako dun." She smiled but not the geniune one.

Mahahalata mo yung lungkot sa mga mata niya. Though she's smiling but you can see her true feelings in her eyes. Kapag talagang masaya siya, pati mata parang nakangiti din.

Tssk. Sabi na eh hindi totoong nagpunta sila sa ibang bansa just to spent time together. Hindi pa bumabalik yung alaala ni Kuya Ian. Naaawa tuloy ako sa kanya.

"Give him up. Will you?" Napatungo naman siya. Arghh! Ang tanga kasi eh. Hindi na nga siya gusto tapos nagpupumilit pa rin siya.

"I can't. Ganun lang siya kasi he doesnt remember me. And Im sure kapag maalala na niya ako, he will be the old Ian again."

Nakita ko na naman yung luha niya.

"Tsk. Irish, Couz, do you think he still doesnt remember you? My goodness, 3 years na, hindi pa rin bumabalik yung alaala niya? KALOKOHAN."

Ampuuuu... Sino bang hindi masasaktan kapag ganto ginawa sayo?

Flashback....

From: Honey-Ian:-*

Wait for me there.

"Geoff, just sleep baby. Baka matagalan si Tatay. Enough na sa kulitan ok?" Tumango naman siya at sabay hikab.

I kissed him on the forehead pati si Yanesha. I'm trying to be strong kasi alam kong gusto nilang maging ok kami ni Ian. Ayokong lumaki sila ng walang ama. I know how it hurts. Alam ko yung pakiramdam na halos wala kang matakbuhan. No one understands you. No one cares for you. At ayun ang ayokong maranasan nila.

Beeeeeeppp..

Beeepppp.

Bago ko pa marinig yung busina nagtxt siya sa akin na malapit na siya. So lumabas ako ng sasakyan to see if its already him.

Bago yung sasakyan niya?

Hindi kasi yan yung usual na ginagamit niya eh.

"Bago yung sasakyan mo?" I asked the moment he jumped out of the car.

But he just ignored me. He went straight towards us and opened the car.

Para na naman akong tangang kausap ang hangin. Pero keri sanay naman ako eh.

Agad naman niyang binuhat si Yani at nilipat sa sasakyan niya.

Dinadaanan niya lang ako na parang hangin.

Irish, wag ka iiyak. Manhid ka na diba? Hindi ka na nasasaktan diba?

"Hmm.. Dumaan ka kela Mommy?" Si Geoff naman yung inilipat niya.

Hindi niya ulet ako pinansin.

Masyado bang malaki yung kasalanan ko sa kanya? Ok na kami kaninang umaga diba?

"Ahmm.. Bakit ngayon ka lang?" Nagulat nalang ako ng yan ang lumabas sa bibig ko.

Ang kulet mo talaga Irish. Nakita ko naman yung kunot na noo niya.

He let out a sigh. "Get their things."

Pagkasabi niya nun. Agad na siyang pumasok sa driver seat.

Dumeretso nalang ako sa sasakyan ko at kinuha ko na yung gamit nung dalawa.

"Ilagay mo nalang sa compartment." Sigaw ni Ian mula sa loob ng sasakyan.

Syempre ako pa yung naglagay sa compartment.

Pagkatapos kong maipasok yung gamit nila, agad naman niyang in-on yung engine.

So nagmadali akong buksan yung front seat baka maiwan ako, gabi na kaya sobra at wala namang dumadaang sasakyan.

I was surprised nang makita ko si Alice dun.

Sumikip agad yung dibdib ko.

Hindi ko siya napansin kanina eh.

Tang ina naman eh! Sabi ko sayo Irish, wag mapilit.

Pero syempre ako yung legal wife kaya ang sabi ko, "Urong ka." Mataray pa na pagkakasabi ko.

Hindi siya umurong. Pero siniksik ko sarili ko.

Inuusog usog ko siya gamit ang pwet ko hanggang sa magkasya ako.

Hehe! Natatawa ako na naiiyak sa ginagawa ko. Mukha akong tangang gago.

"Success!" Sabi ko agad nung magkasya na ako sa upuan.

Ako-Alice-Ian.

Ganyan ang posisyon namin.

Nangingiti-ngiti na ko ng biglang magsalita si Ian.




"Bumababa ka na. Magcommute ka nalang. Di na tayo kasya. Sumikip lang nung sumakay ka."


*****end of flashback*****

Irish's Pov

"Okay ka na ba talaga?" Worried na tanong ni Samantha habang hinahatid niya ako sa labas ng bahay nila.

Si Samantha nalang naisip kong puntahan kagabi. Inabot na akong alas onse bago makahanap ng taxi. And thankful naman ako nang may dumating.

"Ano ka ba keri lang ako. Basta thank you." Niyakap ko naman siya.

"Ingat ka Couz." I just gave her a smile.

Kailangan ko nang umuwi baka hinahahanap na ako nila.

Sinong sila? Yung dalawa kong twins. Hehe. Alam kong hindi naman ako hahanapin ni Ian eh. Never.

Nang may tumigil na taxi sa harap ko agad naman akong sumakay pauwi.

Malapit na talaga ang bahay ni Samantha sa bahay namin pero hindi na ako tumuloy pauwi kagabi kasi baka maabutan ko pa si Alice dun sa bahay. Baka di ako makapagtimpi, masabunutan ko na.

Hmm. Yung nangyari kagabi, hindi yun sapat na dahilan para sukuan ko si Ian. Masyado pang maaga para manalo yung babaeng yun.

"Manong, sa tabi lang po."

Inabot ko naman sa kanya yung bayad atsaka ako bumaba.

Kailangan kong maging matatag at kaunting pasensya pa.

Okay, Irish? For the win? FOR THE WIN.

++++++++++

vommefan.

MaxiemaeBread6new

I raped her (He raped me) BOOK2Where stories live. Discover now