The Five Peso Coin (One-Shot Story)

231 9 7
                                    

AN: Yown oh! HAHA Eto po'y halaw ng kaunti sa mga pangyayaring nais ko mangyari. Lol Bigla lang pumasok sa utak ko sapagkat kahapon ako'y kanta ng kanta. WAHAHAHA!

Guys, yung mga naka-italics po, ibig sabihin yun ay tumatakbo sa isipan lamang. Sana'y magustuhan nyo po itetchiwa. :)) Salamat. :D

-----------------------------------------------------

 Tapos na ang huling klase namin, nagkayayaan na pumunta muna ng Mall. Enjoy-enjoy din pag may time. :D

Habang nasa jeep, walang patid ang kulitan at tawanan. Asaran dito, asaran doon.

"Yang si Nikka, manghihiram ng ballpen tapos hindi ibabalik. Yung totoo, kolektor ng ballpen?!! Wahahaha"-  Ako at nagtawanan ang lahat. :p

"Sorry naman, Regine. Makakalimutin lang. HAHA! Hayaan mo, reregaluhan kita ng isang box ng HBW kapalit ng lahat ng ballpen na nahiram ko. xD"- ganting sagot naman sakin ni Nikka, at tuloy lang ang tawanan namin.

"Nikka, BMW nalang daw para mas masaya!!"-sabat naman ni Precy

"Ma, para po! Oh sya, tama na muna ang tawanan. Baba muna tayo."- pag-aya samin ni Jeng kasi nasa harap na ng Mall yung jeep.

Ako yung pangalawa sa huling bumaba. Bale 7 kaming magkakaklase na magkakasama na gumala ngayon sa Mall. Ako, si Nikka, Precy, Jeng, Vivian, Leo at Donald.

Pagkapasok agad ng Mall diretso agad kami sa Mcdo at umorder ng tig-iisang Chicken Fillet at Float. Tapos nag-ambagan para bumili ng 4 na large fries. Tapos pumuwesto kami dun sa table na nasa labas na ng Mcdo.

Lahat halatang gutom at nagsimula na kumain. Binuhos agad yung gravy sa kanin nila.

"Reg, hingi kanaman ng gravy oh!"- utos sakin ni Precy

"Ahh, sig-------"

"Ako na. :)"- sabat ni Donald. At kinuha nya yung tray at nilagay dun yung mga wala ng laman na container ng gravy

 "Ayieeeeeeeeeeeeee! Salamat Donald."- Sabay-sabay yung apat na pa-sweet ang boses. Haru jusko!

Umi-issue nanaman ang mga bruhang 'to. Si Donald kasi yung pinakatahimik sa grupo namin, at the same time, sakin sya malapit. Kaya sa tuwing kakausapin ako o mapapalapit sya sakin, tinutukso nila kami.

Sa totoo lang, may gusto ako kay Donald. :) Hindi dahil sa gwapo siya, o matalino sya. Ewan, hindi ko rin alam kung bakit. Siguro nahulog ang loob ko dahil sa mga gestures nya, at pati narin sa kaka-AYYIIIIEEE ng barkada. :)

Hindi nagtagal, bumalik na si Donald. Tuloy lang kami sa pagkain. At sa pagkekwentuhan ng mga kwentong napag-usapan na namin pero di kami nagsasawang ulit-ulitin na magbabarkada. Paulit-ulit na pero nakakatawa parin pag-usapan. :)

 Matapos kumain, nagkayayaan na magpunta sa World of Fun. Videoke daw kami. Lahat excited kumanta kahit hindi kagandahan ang mga boses. HAHA Mga hindi takot na baka bumuhos ang ulan.

 Kinuha ko yung songbook at naghanap ng pupwedeng kantahin. Gusto ko yung lovesong. Yung tipong sa kantang yun, yun ang mag-eexplain ng nararamdaman ko.

"Uyy, guys, punta na muna kami ni Donald sa National BookStore. May bibilihin lang kami para sa project. Balik nalang kami."- paalam samin ni Leo at umalis na sila.

Lahat nakapag-enter na ng kanta nila sa Videoke at pag minalas, ako yung huling kakanta. Oha! Save the best for the last daw. XD

Sunod-sunod silang kumanta. Tawanan at laitan ng boses! HAHA

The Five Peso Coin (One-Shot Story)Where stories live. Discover now