Chapter 1 - I Can 't Sleep

22 0 0
                                    

<tulog na tayo>

<huh ? pinatawag mo pa ako, matutulog ka din pala>

< gusto ko lang kasi marinig ang boses mo>

< asus! nambola pa. inaantok ka na talaga?>

< mm...>

< sige. matulog ka na.>

< Ikaw? Hindi hindi ka pa ba matutulog?>

< Hindi pa kasi ako inaantok. Mauna ka na matulog.>

< Sige , mamaya na din ako matutulog. Magsalita ka lang, makikinig ako.>

< Nye! Gawin ba akong radyo. Sige na Lex, tulog ka na.>

< Sabay na tayo matulog. Antayin na lang kita makatulog.>

< Hay nako Alexander. Matulog ka na. May game ka pa bukas. Matalo pa kayo, ako pa sisihin mo. Magbabasa na lang ako dito para antukin.>

< Ayan na naman ang mga libro mo na mas pinipili mong makasama kaysa sa akin.>

< Ewan ko sayo Lex, matulog ka nalang para hindi ka na magselos sa mga inanimate na mga things. Okee ?!>

< Okee mahal ko. Manood ka bukas ha. That game is for you.>

< Para pala sa'kin yung game eh. Matulog kana para manalo ka. Dapat manalo ka ha.>

<Sure mahal ko. I love you.>

< I love you too.>

<George?>

<M?>

< I love you>

< I love you too Alex>

< George?>

< Hay naku ! Ang kuleeettttt! Tulog na ha! >

<Yes boss. I love you>

< I love you. Good night >

toot toot toot...

Akala ko na magdamag kami mag-uusap ni Alex.

Nagpa- unli call pa naman ako nung nagtext siya na tumawag ako.

As usual, nasayang na naman ang load ko. Wala naman kasi akong tatawagan na iba siya lang.

I'm not friendly kasi.

Hindi naman ako yung snob, maldita type na ' not friendly'.

Mas casual friends naman ako. Pero wala lang talaga akong ka-close.

Loner lang talaga ako and mas gusto kong magbasa kaysa makipagchismisan sa mga classmates ko.

Boys lang naman kasi parati ang topic nila.

Also, I am afraid to be friendly. Baka mareject ako.

Paranoid. Hehe.

Siguro nagtataka kayo kung bakit may boyfriend ako?

Well, iba si Alex.

Siya lang ang unang lalaki na nakipagkaibigan sa isang loner at nerd na kagaya ko.

At siya lang din ang unang tao na nagka-interes ako.

Hayyyy....

Si Alexander Clare Mendoza.

Ang maha na mahal ni Georgia Clarence Bautista.< Ako yun! >

Bukas paggising, tatawagan ko, nalang siya.

My Heart Beats for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon