Chapter 29: I'm sorry

66.4K 1.1K 44
                                    

Chapter 29

(I'm sorry)

 

"Importante ka sa akin ... kaya.. bumalik ako." halos hindi ko marinig ang mga salitang mismong lumabas sa bibig ko.

Aminin ko man at sa hindi, importante din si Bryle sa akin, kahit na sa araw araw naming pagsasama sa iisang bahay ay puro pag-aaway lang ang ginagawa namin.

"Casey.... magkaiba ang importante sa priority. Maaring importante ako sayo pero hindi ako ang priority mo!" ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya sa akin, hindi ako nakasagot, umiyak lang ako ng umiyak sa harapan niya hanggang sa niyakap niya ako at inakay sa loob ng napakalaking resthouse nila.

Dumiretso kami sa kwarto namin, iniupo niya ako sa kama at pinunasan ang magkabilang pisngi ko gamit ng kamay niya.

 

"Diyan ka lang, ikukuha kita ng tubig."

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak, ilang sandali lang ay bumalik na si Bryle na may dalang tubig, ibinigay niya ito sa akin at uminom naman ako.

Hinaplos haplos niya ang likod ko hanggang sa kumalma na ako.

 

"S-sorry... I'm so sorry." Sabi ko at tumulo na naman ang mga luha ko.

 

"No Casey... I should be the one saying sorry.. I'm sorry." Niyakap niya ako at...

"Kyaaaaaahhhh!!" napasigaw ako dahil sa biglang paghiga niya sa kama habang yakap ako.

"Hahahaha." Tawa siya ng tawa habang nakayakap pa din sa akin, nasa ibabaw niya ako... errrr ang awkward ng position namin.

Nakasubsob na naman ako sa chest niya.

Tumingala ako at tinignan ang tumatawang si Bryle, napangiti ako ng wala sa oras habang nakatingin sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa at nagsalita ng seryoso.

"I'm really do sorry, hindi ko sinsadyang paiyakin ka." He said sincerely. Di agad ako nakapagsalita.

"Sorry na.. bati na tayo." Sabi niya sabay pout. >3<

Umupo ako sa bandang tyan niya at initukod  ang dalawang kamay ko sa pagitan ng ulo niya para makita ng maayos ang mukha niya.

Oo, lalaki lang ang gumagawa ng ganitong DAMOVES sa mga babae. Eh ano ngayon? sa gusto kong makita ng maayos at malapitan ang mukha ni Bryle -___-

"Bati na tayo please?..." paglalambing niya.

-_____-" uso pa pala ang bati bati factor na 'yan kay Bryle.. bata pa talaga siya, isip bata tsk!!

*TSUP*

Kiniss ko ang lips niyang nakapout.. ang cute cute kasi.

0______0 < —- siya 'yan.. tss first kiss lang ang peg, if I know milyong milyong babae na ang nakahalik sa kanya.

*TSUP*

^_______^ < — naging ganyan naman ang mukha niya, as in 'yung ngiti niya napakawagas at napakalapad.

Ms. GANGSTER is Enganged with Mr. CASANOVA ( COMPLETED )Where stories live. Discover now