Chapter 12: Awaken

84 7 1
                                    

Chapter 12

Dahil sa malakas na pagsabog, nagkagulo ang mga tao at nagsipaglayo ang mga ito sa pinangyayarihan. Nakabantay naman ang ibang mga police guardian para magbantay kung mayroon pang susunod na pagsabog at umalalay kung mayroon mang mga masusugatan.

"Police guardians, kailangan nating makagawa ng barrier para-"

Hindi pa man tapos magsalita ang commander ng mga police guardian ay muli na namang nagkaroon ng pagsabog. Higit na mas malakas ang sunod na pagsabog kaya wala silang magawa kundi lumayo dito ng kaunti.

Nababalot pa rin ng makapal na usok ang buong paligid at wala kang makikita kundi makapal na usok (malamang). Nang mawala ang usok, gulat na gulat ang lahat ng mga police guardian dahil hindi na nila nakikita ang mga tao at spirit na naroon (The tropa and the joker) kaya naman ay nagmadali silang puntahan ang lugar sa pag-aakalang sugatan ang mga ito dahil sa pagsabog. Pero,

"Barrier?! Anong klaseng barrier ito?!" nasambit ng isa sa mga police guardian ng bigla siyang mapahinto patungo sa pinangyayarihan.

Kakaiba ang barrier. Kung unang titingnan, aakalain mong walang nangyayaring kung ano man sa lugar na yon, ngunit sa oras na lapitan mo ito'y di ka na makakausad pa. Para itong mapagbalat-kayong salamin na may pinoprotektahan na kung ano sa loob. Wow, may gano'n. Gets mo ba? Hahaha!

"Commander, anong gagawin natin?" tanong isa sa mga police guardian sa kanilang pinuno na si Commander Bryne.

"Wala. Wala pa namang nangyayari eh." sagot naman nito.

"Huh?"

"Sabe ko wala."

"Eh ano pang ginagawa natin dito?"

Sa sinabing iyon ng kanyang kasamahan ay napa-isip si Commander Bryne. "Oo nga no? Alis na kaya tayo?"

"Oo nga! Magpusoy nalang tayo sa outpost!" kantyaw naman ng isa pa sa kasamahan nila.

Sa huli, nag-alisan din ang mga police guardian at tumuloy nga sa outpost nila para magpusoy. Wala, pulis eh. Joke lang haha!

So anong nasa loob ng barrier?

Eto na nga, mapunta naman tayo sa kung anong nasa loob ng barrier. Hindi lingid sa mga tao na nasa labas na may nangyayari ng hindi maganda sa loob. Eh ano ngang nangyayari sa loob?!

Halos lahat ng team tao ay wala ng malay (Raven, Ace, Eiji) at tanging si Sykes lang ang natirang nasa wisyo at ang team spirit (Doom at Emon). Parehong alerto ang magkabilang panig at nagpapakiramdamam sa kung sino ang unang kikilos.

"Nanatili ka pang gising matapos kong pasabugin ang lugar na to?! Iba ka din kuya!" nakangiting sambit ni Emon kay Sykes.

"Tss." yun lang ang sabi ni Sykes. Hahaha

Mabilis na kumilos si Emon at inihanda ang kanyang mga baraha. Hindi biro ang mga barahang hawak niya dahil bukod sa matalim ito na kayang tumagos sa bakal ay may lason din ito na kayang iparalisa ang buong katawan mo ng isang buong araw. So alam niyo na kung bakit walang malay yung tatlo?

"Kaya mo yan Emon! Weak lang yan si kuya!" pagsuporta naman ni Doom sa kakambal.

"Tss." sabi ulit ni Sykes. Kelan kaya siya magsasabi ng isang sentence?

"Card rupture!" pinakawalan ni Emon ang daan-daang baraha mula sa ere at mabilis na bumabagsak sa lupa. At tuwang tuwa siya dahil natamaan niya si Sykes sa braso. Napaluhod naman ang binata dahil sa sakit at kakaibang pakiramdam.

Two Beings CollideWhere stories live. Discover now