She'll remember me.....

11 1 0
                                    

Vince's POV

naglalakad ako ngayon papunta sa swing.....

ang dala-dala ko na naman na drinks is apple juice....XD

kahapon beer ngayon apple juice walang trip...

nanduon kaya si Erica?..........

tamang-tama at may nakita akong babae na naka-upo sa swing...

siya nga si Erica....mas lalo ata siyang gumanda ngayon ahhh...ayan ang bakla ko....

"Oy!!" bati ko sa kanya sabay upo sa swing....

naka-tingin siya sa akin na parang inaalam niya kung sino ako...ang wierd....

"ammm....Vi..Vi...." parang nakakalimutan niya yung pangalan ko....

kasi habang nagsasabi siya ng Vi ay pinapadyak niya yung mga paa niya sabay pikit at isip....

so ganun hindi niya na ako kilala...grabe...flattered naman ako.... 

" Vince?"sabi niya habang naka-tingin sa akin at parang sinasabi kung tama ba...

"yehey!! tama ka nga..ako nga si Vince" sabi ko sa kanya...sabay palakpak kunwari...

"tama ako!!.." sigaw niya....

......at ayun nag-kwentuhan kami ng kung ano-ano......

at araw-araw kaming nag-kikita.....

meron ngang isang araw na naka-pasok ako sa bahay nila at pinicturan ako ng tatay niya...nakakahiya nga....naka-buka pa ang bibig ko at halatang-gulat na gulat ako...bwisit...

at sa araw-araw naming pagkikita dalawang bagay ang napansin ko...

isa sa akin at isa ay sa kanya....

makakalimutin siya sobra.....

ako naman....eto...

araw-araw lumalaki ata ang crush ko sa kanya...ahhh ewan....

parang daily routine ko na ang kasama siya every-night....

ang saya ng mga araw.....

sana hindi na matapos.......

Erica's POV....

" Sa tingin ko ay araw-araw mo ng kasama yang Vince na yan" sabi sa akin ni papa?

"ho? Vince?" tanong ko .....

sinong Vince??

"oo si Vince yung parati mong..........." napahinto siya sabay lapit sa akin....

"hindi mo kilala si Vince, anak?" tanong niya sa akin....

na parang nag-aalala...

ano bang problema niya??...

"sino po ba siya...?" tanong ko...habang ngumingiti sa kanya....

"anak,anong kinain mo kaninang hapunan?" tanong sa akin ni papa....

Kinain ko??....hindi pa naman naghahapunan ah...

"pa, hindi pa tayo kumakain ng hapunan" sabi ko sa kanya....

"kumain na tayo ng hapunan, paborito mo ang ulam natin, ano sa tingin mo?" 

paborito kong pagkaen?? wala naman...kahit ano ata??

"dad, wala akong paboritong pagkain" sabi ko.....

napapansin kong lumuluha na si papa....

"anak, pumunta ka sa Favortie room mo" sabi niya....

favorite room?? hindi ko alam kung saan....... ano bang nagyayare...wala akong matandaan....

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon