Chapter 17

2.9K 66 12
  • Dedicated kay Gen Young
                                    

Chapter 17

Makalipas ang ilang linggo ay nagsimula na si Simone na mag-aral magdrive.

At gaya nga ng kanilang naging usapan noon, si Charles ang kanyang naging driving instructor.

"Are you ready Simone?" tanong ni Charles ng sunduin nito si Simone sa kanilang bahay.

Friday noon at wala silang pasok dahil may conference ang mga professor nila.

"Yes Charles I'm ready!" sagot ni Simone na tumayo na mula sa kanilang sofa.

"By the way may license ka na ba?" tanong ni Charles.

"Wala pa nga eh." sagot ni Simone.

"Oh sige yan na muna ang una nating asikasuhin." sabi ni Charles.

"Okay! Tara na para matapos agad tayo." sabi ni Simone.

Pagkatapos ay nagpaalam na si Simone kay Manang Gloria.

Nang makarating sila sa LTO ay madaming tao ang nakapila.

"Charles, are you sure na gusto mo akong samahan dito? Baka may iba ka pang gagawin? Okay lang ako dito." sabi ni Simone.

"Yeah! Very sure ako! Tsaka wala naman akong lakad ngayon." sabi ni Charles na nakangiti pa kay Simone.

Ngumiti din naman si Simone kay Charles bilang tugon nito.

"Ang mabuti pa eh umupo ka na muna dun at ako na lang ang pipila sa pagkuha ng number." sabi ni Charles.

"Are you sure Charles? You don't have to do this naman eh!" sabi ni Simone.

"Just do what I say Simone! And I'm okay!" sabi ni Charles.

Ayaw na ni Simone na humaba pa ang usapan nila ni Charles kaya sumunod na lamang ito dito.

Naupo siya sa bakanteng upuan at doon naghintay kay Charles.

Habang naghihintay ay hindi maiwasan ni Simone na sundan ng tingin si Charles.

At ng magtama ang kanilang paningin ay isang matamis na ngiti ang pinakwalan ni Charles.

Ginantihan naman iyon ni Simone ng isang ngiti din.

Hindi nagtagal ay nakakuha na ng number at form si Charles at nilapitan si Simone.

"Here is your number and here's the form. You have to fill this up. Kapag turn mo na tsaka mo lang yan ibibigay dun sa babaeng yun." sabi ni Charles na itinuro yun babae.

"Thank you Charles!" casual na sagot ni Simone.

"So iwan na muna kita dito habang nagfi-fill up ka. May bibilhin lang ako saglit." sabi ni Charles.

Tumango lang si Simone at nagfill up na ito.

Di nagtagal ay bumalik na si Charles at may dala itong pagkain.

"Here take this! I know you're starving!" sabi ni Charles na inabot kay Simone ang isang sandwich at bottled water.

"Thank you Charles! I owe you a lot big time!" sabi ni Simone.

"Don't mention it Simone! Remember we're friends, right?" sabi ni Charles.

"Right! Pero thank you pa din! You're a big help!" sabi ni Simone.

Pagkatapos noon ay turn na ni Simone kaya lumapit na sya dun sa babaeng tinuro ni Charles.

Di nagtagal ay natapos na nila iyon at babalikan na lang nila sa hapon ang kanyang student's license.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon