Chapter 6: the Yoon Brothers

119K 1.7K 56
                                    

Ilang araw na ang nakakaraan nang sabihin ni Erin kay Lian ang pagdadalang tao nya… Hanggang ngayon ay hindi parin nya nasasabi sa mga kapatid nya.

Hindi alam ni Erin kung paano nya sasabihin sa mga kapatid nya. Silang ang famous Yoon siblings, namatay ang parents nila noong 16 years old pa lang si Erin sa isang plane crash…At ang tumayong magulang sa kanila ay ang kuya Gian nya na nooy 22 years old pa lang at tumayo nang CEO nang kumpanya nila.

Pangatlo si Erin sa apat na magkakapatid, at sya lang ang babae. Si Gian – 29, Johan – 26, Erin- 23 at Kian- 20… Alam ni Erin na spoiled sya nang mga kapatid nya. Pero alam din nyang hindi matutuwa ang mga ito kapag nalaman nila ang sitwasyon nya…

Naalala nya noong nag break sila ni Patrick noon. Nakita nang mga kapatid nya kung gaano sya nasaktan sa mga nangyari. Kaya pinagtulungan nila si Patrick. Hindi naman lumaban si Patrick dahil alam nyang sya ang nagkamali…

Nasa family room sila at kasalukuyang nanonood nang movie… Nagkataon naman ang pinapanood nilang movie ay “Knocked up”… Hindi mapakali si Erin habang enjoy naman sa panonood ang tatlo…

“Ate ok ka lang ba?” tanong sa kanya ni Kian

“Shit, I can’t take this no more…” sabi ni Erin… Napatingin ang mga kapatid nya sa kanya…

“I need to tell you something…”

“Ano ba yon?” tanong ni Gian

“Promise me you wouldn’t be mad?” sabi ni Erin…

“The last time you said that, you did something serious… So what is it?” sani Johan

Tiningnan ni Erin isa-isa ang kanyang mga kapatid. Siryoso ang mga ito na nakatingin sa kanya. Her heart was beating so fast na pakiramdam nya ay puputok na ito… She took a very deep breath…

“Ano bang sasabihin mo Erin?” sabi ni Gian…

“Buntis ako,..”

Nakita ni Erin ang pagka shock nang mga kapatid nya. Pero naglaho agad ito sa mukha ni Gian… Tumayo ito at umalis sa kanilang family room. Erin’s tears stats to fall on her face. Alam nyang na disappoint nya ang kuya nya. Nanatiling nakaupo sina Johan at Kian, shock parin sa balita nya.

Sinundan nya ang kuya Gian nya na nasa balcony at may hawak na isang baso nang alak.

“Kuya… I’m sorry…” sabi ni Erin habang umiiyak sya…

“Ganon pala ang feeling no… masakit… prinotektahan kita simula nang pinanganak ka… Then seeing you go and have your own family… It hurts to see you go…” sabi ni Gian…

Niyakap ni Erin ang kuya nya. “You’re always be my Kuya…” patuloy parin ang pag iyak ni Erin. Naputol nga lang ang kanilang page emote nang tawagin sya nang kanilang katulong…

“Mam may bisita po kayo…”

“Sino daw po?”

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon