Twenty-Six

14.6K 357 47
                                    

Third year high school ako nung nag-away kami ni Kuya Marcus sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi naman away talaga, nainis lang ako sa kanya.

  

Eh kasi naman, inaway ako nung witch niyang pers lab.

Oo, nagka-gerpren na rin sa wakas si Kuya Marcus non. Ayaw pa talaga niyang aminin, pero halata naman. Tss. Pero buti nalang, hindi inamin ni Kuya na naging sila kasi hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon! Pag naaalala ko ‘yung witch na ‘yon, naiirita pa rin ako.

Una ko siyang nakasagupa nung may group study sila Kuya sa bahay. Linggo nun ng hapon tas ako lang ‘yung naiwan sa bahay para magbantay kasi may kanya-kanyang lakad ‘yung iba kong kapatid tapos nag-date naman sila Mama at Papa. Nakatulugan ko ‘yung paglalaro ng PS3 sa sala. Amboring kasi ‘pag mag-isang naglalaro. Wala rin naman si Chan-Chan nun para mayakag ko.

Si Kuya Marcus ‘yung gumising sa’kin. Naramdaman ko pa ngang binaba niya ‘yung binti kong nakapatong sa sandalan ng upuan. Pero dahil, sarap na sarap pa ko sa tulog, di ako bumangon agad.

Saka ko naramdamang may umupo sa sofa, doon sa paanan ko. “Uhm…excuse me. Mag-aaral kasi kami. Dun ka na lang sa kwarto matulog.” Maganda sana kaso halatang japeyks ang ngiti sa’kin. Di ko pa rin talaga maintindihan kung bakit parang ang laki ng galit nung babaeng ‘yun sa’kin.

“Sino ka?” Bungad ko sa kanya. Kung makautos parang bahay niya ‘yung bahay namin eh. Unang beses ko pa lang naman siyang nakita.

Veronica daw, o kaya Nica ang pangalan niya sabi ni Kuya Marcus. Basta, unang tingin ko pa lang dun sa witch na ‘yun, ayaw ko na sa kanya.

Pero  nahiya naman ako dahil nakatingin na sa’kin ‘yung iba pang group mates ni Kuya sa Med School kaya pinulot ko na lahat ng kalat tsaka unan ko at pumunta sa kwarto para sana ituloy ‘yung tulog.

‘Yun nga lang… MAY MALAKING GAGAMBA SA MAY PINTUAN NG KWARTO! Huhu. Kala niyo siguro maliit lang ‘no. Hindi kaya!

Kasin-laki ng palad ko! ‘Yung tipong bawat galaw niya, parang maririnig ‘yung yapak ng mga galamay niya sa kahoy na pinto ng kwarto namin. Sinubukan ko siyang paalisin – hinipan ko na…pinaypayan pa… pero hindi siya natitinag.

Tapos bigla siyang gumalaw papunta sa hawakan ng pinto.

Siyempre napasigaw ako. Baka mamaya, tumalon na naman sa’kin. Kahit gusto kong tumakbo nun, hindi ako nakagalaw sa sobrang takot. Kaya pumalahaw ulit ako hanggang sa tumakbo papunta sa’kin si Kuya Marcus para iligtas ako. Oo na, napaiyak ulit ako ng konti dun. Tss.

Dahil sa pesteng gagambang ‘yon, nawala nang tuluyan ‘yung antok ko. Di naman ako makapunta sa kwarto nila Mama kasi naka-lock naman. Kaya nagmakaawa ako kay Kuya na sa sala na lang din ako at nangakong hindi ako manggugulo. Dun ako pumwesto sa sulok pero naawa si Kuya kaya pinaupo niya ako sa tabi niya.

“Kuya, peram nalang ng cellphone mo, maglalaro na lang ako,” mahinang sabi ko. Sempre, nahiya naman akong magPS3 habang nag-aaral sila.

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon