Meet Phoebe Imperial

75.7K 471 15
                                    


------Phoebe Imperial's POV-----

Kung si Eris ay wala nang ginawang tama ako naman, lahat ng gawin ko ay mali.

Ako ang panganay na anak nina Crystal at Alexander Imperial kaya mataas ang expectations ng lahat sa akin. Palagi akong pinagsasabihan ng mga magulang ko na gawin ang lahat to please my lolo.

"Mommy, nakakaringgi ka na!" reklamo ko sa paulit-ulit na sermon ng aking ina.

"Bakit mo kasi kinulayan ng ganyan ang buhok mo ha?! Sa lahat ba naman ng kulay ay pula pa, ano ba nagrerebelde ka ba? O baka naman gusto mong isabit pa kita sa flagpole? Kulang na lang lagyan kita ng KKK diyan eh!" Nakapamewang pa sa akin si mommy Crystal.

"Mommy naman, ano ba kasing problema sa red? O baka nag-aalala kayo dahil baka hindi ma-impress sa akin si lolo? Tingnan mo naman oh, nagpakulay na nga ako ng buhok pero ni sermon wala akong narinig mula kay lolo. Ibig sabihin lang dun mom na wala talaga siyang pakealam sa akin!"

"Hindi totoo yan!"

"Totoo yan mommy, and why are you pushing me to lolo ba? Wala naman akong pakealam kung magugustuhan niya ako o hindi! Ikaw lang naman iyang anak niya diyan, kaya kung gusto mong magpa-impress sa kaniya ay ikaw na lang!" Nag-walk-out ako sa harapan ni mommy bitbit ang napakalaki kong teddy bear.

"Phoebe! Bumalik ka dito! Kinakausap pa kita! Wag kang bastos!"

Ngunit hindi ko pinansin ang panggagalaiti ni mommy at sa halip ay nagtuloy-tuloy pa rin ako sa entertainment room ng Imperial Palace.

Nakinood ako ng movie kasama ang mga pinsan ko sa malaking screen. Nakakumpol sila sa gitna habang ako naman ay nasa isang tabi lang at nagmumukmok.

Ng matapos na ang palabas ay lumapit si ate Ira sa akin "Oh, Phoebe bakit di maipinta ang mukha mo diyan? Comedy itong pinapanood natin ah."

"As usual nag-away na naman kami ni mommy... I'm doing everything for this family pero kahit anong effort ang gawin ko? Balewala pa rin kasi hindi naman nila yun makita eh dahil puro mali ko lang ang napupuna nila!"

May boses ng lalake na umalingawngaw mula sa pinaka-likuran na upuan ng home theatre "Pero hindi mo pa rin dapat kausapin ng ganun ang mommy mo..."

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.

"Ulysses?" koro naming magpipinsan.

"Ako nga! Kamusta?" Kumaway-kaway pa sa amin ang binata.

Sabi ko na nga ba eh na siya na naman, ang anak ng loyal assistant ng mga Imperial Brothers na si Samuel. Nakakainis na talaga ang taong iyan dahil palagi siyang nakekealam sa buhay ko at ewan ko naman kung bakit.

"Sumusobra ka na talaga ah! Hindi porke't anak ka ni Samuel ay pwede ka nang maglalabas-masok sa Imperial Palace! Tandaan mo, anak ka lang ng alalay ng daddy ko kaya kung ako sayo ilagay mo ang sarili mo sa dapat mong kalagyan!"

Pagkasabi nun ay naupo ulit ako sa upuan.

"Alalay nga lang ako pero at least may concern naman ako sa mommy mo, hindi mo dapat ginawa yun kanina... mag-sorry ka sa kaniya."

Lumingon ulit ako sa likuran "sino ka ba para sabihin sa akin yan ha? At nakikinig ka pa talaga sa usapan namin ng mommy ko ha?"

"Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pag-uusap niyo, hayaan mo hindi na yun mauulit" dahan-dahan siyang lumapit sa amin.

"Sorry na... mali lang kasi na tratuhin mo ng ganun ang mommy mo." Nagpapa-kyut niyang turan.

Naging tampulan tuloy kami ng tukso ng aking mga pinsan. "Uuuuuyyyy...."

Imperial LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon