CHAPTER 12

8.5K 175 8
                                    

CHAPTER 12

-Third Person's Point of View-

Nagising si Chaine ng 1am in the morning at nakita nyang magkakatabi silang natutulog at siya pa ang nasa gitna ng dalawa pero nakayakap pa din si Sky sa kanya.

'Mahal ko na ba to'ng taong to? Baka ayaw ko lang aminin sa sarili ko? Aish! ang gulo!’

Tumayo siya sa kama ng dahan-dahan ng may humawak sa braso niya.

“San ka pupunta?” tanong ni Sky sa kanya.

“Sa kwarto ko, dun ko na ipagpapatuloy ang pagtulog ko" sagot ni Chaine. “Sige goodnight” dugtong ni Chiane.

“Paglabas mo”

“Matulog ka na, wag kang mag-alala pag gising mo... mahal pa din kita” nasabi bigla ni Chaine.

“Pakiulit” sabi ni Sky na umabot langit na ang ngiti.

“Bleh! wala ng ulitan” sabi ni Chaine at lumabas na ng kwarto ni Sky.

***

Kinabukasan nagising agad si Sky ng maaga. Hindi pa rin siya makapaniwala na sinabi na iyon sa kanya ni Chaine.

“Misis” tawag niya ng pumasok siya sa kwarto ni Chaine.

“Hmm?”

“Gising na po”

Hindi na siya pinansin ni Chaine at humarap ito sa kabilang side. Kinapa-kapa naman ni Chaine kung katabi pa ba niya si Ken pero wala siyang nakapa. Bumangon siya at hinarap si Sky.

“Ba't mo ako tinitignan ng ganyan?” tanong ni Sky.

“Muka ka kasing asong ulol” sagot ni Chaine.

“Ai ewan magluluto na nga ako” sabi ni Sky.

Naguusap sila ng may nag-door bell.

“Ako na lalabas, magluto ka na nagugutom na ako eh” sabi ni Chaine saka tumayo.

“Ikaw sasagot ng ganyan ang ayos mo?” tanong ni Sky.

“Ok lang naman sakin, bakit nasa bahay naman tayo ah!” sagot ni Chaine.

“Tsk!” hindi na nakipag-talo si Sky at pumunta na sa kusina para magluto.

***

Sa kabilang dako naman ay nag-ayos ng buhok si Chaine at binuksan ang pinto.

I'm Already Married?! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon