Chapter 28

30.2K 357 32
                                    

*Oftentimes, we say goodbye to the person that we love without wanting to. Although, that doesn’t mean that we’ve stopped loving them or that we’ve stopped to care. Because sometimes, “Goodbye” is just one way of saying “I love you”. 

“Manong Diego, pwede po bang dumaan tayo saglit sa Drew & Vanz bago dumiretso sa airport?” Pakiusap ko sa family driver namin mula sa backseat ng kotse nung mag-hahapong iyon, sabay piring sa side window. 

“Sige po, Miss Lyka.” Sagot niya, sabay liko ng sasakyan patungo sa direksyon ng bistro.

Napalingon naman sa aking gawi si Cedric, na siyang nakaupo sa passenger side ng kotse.

“Anong gagawin mo sa Drew & Vanz?” Tanong niya sa akin, pawang nagtataka.

Napangiti na lang ako nang konti, nanatili pa ring nakapiring sa labas ng bintana.

“I just want to have my final performance there, that’s all. And it will also serve as my last goodbye to my spectators there.” Sambit ko.

Tumango naman siya at ngumiti na rin, at pagkatapos ay tumingin na siya nang diretso sa kanyang harapan.

Ngayon ang araw ng aming pag-alis ng Triple C papuntang Washington para sa malapit na naming pag-debut bilang ilan sa mga pinakabagong mga song artists sa music industry. Magkasama kami ni Cedric sa pagpunta sa airport dahil hindi siya makakasabay kela Kuya Carter at Kuya Chris, na dadaanan pa ang kanilang mga girlfriend para magpaalam sa kahuli-huling pagkakataon bago tumungo sa sakayan.

And yes, sa mga nagtataka, official couple na sina Ate Margaux at Kuya Carter, pati na rin sina Blair at Kuya Chris. Buti nga at sa wakas ay nagkatuluyan na rin ang apat na iyon, at nalubos nila kahit papano ang mga natitirang panahon nilang magkakasama bago pa man umalis patungong Washington ang dalawang mga miyembro ng Triple C.

Kahapon naman ay nasa bahay kami ng mga Castaneda hanggang gumabi na. Nagdaraos kasi ng goodbye party para sa amin ng Triple C, na pawang naging mga kabarkada na rin namin, sina Bliss, Blair, Drake, Dustin, Levi at Ate Margaux, at nakisama na rin sa party sina Piper, Bendix, Valerie at Devin. Hindi kasi sila makakasama sa paghatid sa amin papunta sa airport since may kanya-kanya rin silang mga appointments ngayong araw na ito.

And I guess you guys are also wondering about what happened to my best friend and ex-husband, Keith, right?

Well actually, hindi ko rin alam e. It’s been almost two months since that dinner celebration for our successful graduation from high school and my sudden announcement to everyone regarding our issued legal separation sa bahay ng mga Castaneda, and more than a month since the final hearing of our case in procession of our divorce with the Supreme Court. 

At simula nung araw na iyon, hindi na muli nagkrus ang aming mga landas ng best friend ko. Sa tingin ko nga, iniiwasan niya talaga ako, and he’s purposely doing everything that he can just so we wouldn’t meet up with one another. Hindi nga siya pumunta sa goodbye party para sa amin kahapon, and I know that he won’t even bother to give his last farewell to me before I finally leave for Washington.

Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga nung mga sandaling iyon.

So is this really how everything will end, Keith? You’re just going to let me go away like this without even bothering to say goodbye to me? Kahit sa kahuli-huling pagkakataon, hindi ka man lang ba magpapakita sa akin? Even if it’s only for the sake of our long-time friendship? Ganun na ba talaga ako kawalang-halaga sa’yo?

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now