I Love You Ethan #1

60 2 4
                                    

Lumaki akong hindi alam ang pagkatao ko. Walang magulang, walang pangalang pinanghahawakan. 

Sabi kasi ng mga kumupkop sa akin nakita daw ako nila nung 4 years old palang ako sa isang van na malapit sa kanila at dahil nga wala silang anak na babae ay kinupkop nila ako.

Ako si Kayla Stephanie Curtis at kontento na ako sa buhay ko ngayon kung hindi lang dumating ang lalaking nagpagulo sa buhay ko, si Ethan Gonzales. 

Si Ethan Gonzales lang naman ang kontrabida sa buhay ko and speaking of Ethan palapit siya ngayon sa akin.

" Oh? Kaylangan mo?" nakataas ang kilay ko sa kanya. 

Ngumiti lang naman siya sa akin at nilampasan ako.

>_______<

Napahiya ako dun ah!

Napakinggan kong tumawa siya. Tsk! May araw ka din sakin Ethan.

Pagdating ko sa room sinalubong ako ni Carol, ang bff ko.

" Anyare jan sa face mo huh?" nginuso pa niya ang mukha kong magkasalubong ang kilay.

" Eh kasi si Ethan, pinasama na naman ang umaga ko."

" Sus! Edi natuwa ka naman kasi pinasama niya araw mo. Ayieeeee! Jan nasimula ang lolo at lola ko." parang tanga siya dahil tinusok tusok niya ang tagiliran ko eh alam naman niyang lahat ng parte ng katawan ko may kiliti kaya bigla akong napabungisngis.

" BWAHAHAHAHAHAHA!"

*AWKWARD*

Lahat nakatingin sa akin specially si Ethan na nakakunot ang noo. Ampotek! sa tingin ni Carol magkakagusto ako sa halimaw na katulad niya. Never!

Nag peace sign ako sa lahat ng classmates ko maliban kay Ethan dahil sinimangutan niya ako. Problema niya -____-

" Anyare dun Carol?"

" Huh?"

" Sabi ko anong nangyaring himala kay Ethan at di ako tinawanan."

" Ayieeeee! Concern ka sa pagbabago niya ba? Why don't you ask him?" at sinipulan niya si Ethan na parang lalaki. Pangtanga lang si Carol eh, at lumingon nga ang halimaw. TADA!

Tinaasan lang naman kami ng kilay at bumalik na din sa ginagawa niyang kung ano-ano. -______-

" Sabi ko nga wag na nga lang tanungin siya. Oh siya, anjan na si Sir." Carol

" Blahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" TEACHER!

*AFTER SCHOOL*

" Oh!" inabot niya sa akin na ikinagulat ko.

" Ano to?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

" Tsk." pero imbis na sumagot ay iniwan na lang niya sa mesa ko yung papel at umalis.

Agad namang lumapit sa akin si Carol at kinuha yung papel na binigay niya.

" WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! OH MY GOSHHHHHH! I KNOW IT! I KNOW IT! BONGGA~!" 

*PAK*

" Aray naman...hehehe! Naku Kayla, sosyal mo Ate, niyaya ka mag-date ni destiny mo. Bongga talaga! Sana yayain din ako ng tropa niya. Hehehe ^___^"

napatingin naman ako sa kanya. Asus! Kaya naman pala gusto niya kay Ethan para sa akin eh kasi gusto niya mapalapit kay Josh, barkada ni Ethan.

" Landeeee! Akina nga yan!" inagaw ko naman sa kanya at nanlaki ang mata ko kasi totoo nga ang sinabi niya kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You EthanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon