Chapter 6

241 7 12
                                    

Chapter 6

Kinabukasan, bumalik si Dice sa ospital para kausapin si Savannah ukol sa isang malaking bagay. Pagdating niya sa kwarto ni Savannah, inihagis niya ang isang brief case sa kamang kinahihigaan nito. Napatingin naman si Savannah dahil sa ginawa ng binata.

"Ano to?" lumapit si Savannah sa brief case habang nakaturo dito. Nagtataka ang dalaga kung ano ang laman nito.

Tumingin ulit si Savannah kay Dice. Ang binata naman ay nagpamulsa. Syempre ganoon pa din ang suot niya. Black leather jacket at sa loob nito ay puting V-neck shirt na makikita mo ang hulma ng matipunong dibdib. Isama mo pa ang messy hair na nakapandadagdag sa bad boy image niya.

"Buksan mo para malaman mo." Malamig na sabi nito sa kanya. Binuksan naman ni Savannah ang brief case at napalaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa nilalaman nito.

Tumingin siya agad sa nakapamulsang binata na nasa harap niya. Hindi niya mawari kung ano ang nasa isip ni Dice ngayon.  Hindi niya malaman kung ano ang gusto ng binata. 

"Pera? Bakit mo ko binibigyan ng napakalaking pera? Tsaka saan mo to nakuha?"

Tumingin sa ibang direksyon si Dice.

"Wag ka na magtanong pwede? Basta hindi ko yan kinuha sa masama."

Tumango lang si Savannah bilang tugon at naniwala naman agad siya. Ewan niya pero malaki ang tiwala niya kay Dice na hindi ito gagawa ng masama. Matagal na niya itong kilala. At alam na niya ang personalidad ng binata.

"Para saan to? Ano gagawin natin dito?"

"Natin? Ikaw lang. Hiwalayan mo si Bundat at gamitin mo yan para makahanap ng bagong bahay kung saan hindi ka niya mahahanap."

"H-ha?!" naguguluhan na talaga si Savannah. Hindi na niya maintindihan kung ang pinagsasasabi nito. Magulo na din kasi ang isipan ngayon ni Savannah dahil sa nangyari sa kanya. At ngayon naman, kagigising niya lang at ito pa ang ibubungad sa kanya ni Dice.

"Simula ngayon, kung pera lang ang problema mo kaya hindi mo mahiwalayan si Bundat, ako na magbibigay sayo nun. Hiwalayan mo na siya para hindi ka na niya masaktan ulit. Tignan mo nga sarili mo! Hindi ka ba naaawa sa katawan mo??! Ha Savannah?!!!

Hindi makasagot si Savannah dahil sa sobrang lakas ng boses ni Dice. Ngayon niya lamang ulit nakita si Dice na sobrang galit. Nagtitigan sila ng ilang segundo hanggang sa umupo si Dice at tinignan si Savannah na may pag aalala at lungkot sa mata. Huminahon na si Dice.

"Savannah... Ayokong sinasaktan ka ng Bundat na yon o kahit na sinong tao. Importante ka sakin. Malulungkot din si Mama pag nalaman ang kalagayan mo. Mahalaga ka sakin. Sa amin. Mahal kita Savannah.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon