Passenger

933 25 7
                                    

Tsk! Dyaheee! Bat naman umuulan pa? Ang hirap pa naman kasi bumabaha dun sa dinadaanan ko pag umuulan.


Sumakay na ako sa kotse ko at nagsimula ng tahakin ang daan pauwi sa amin. Sigurado akong traffic ngayon kasi Biyernes na at madami na rin ang nag-uuwian.


"Eto na nga sinasabi ko eh. Traffic! Kelangan ko pa tuloy maghanap ng ibang iikutan. Badtrip!" Sabi ko na lang saka ko pinihit ang manibela papunta sa ibang daan pauwi sa bahay.


Binuksan ko ang radyo para marelax naman ako habang nagdra-drive ako ngayon. Grabe, nakakatakot naman dito sa inikutan ko.


May natanaw akong taong nakatayo sa waiting shed. Actually, nakatayo sya sa labas ng waiting shed so nababasa sya ng ulan. Parang lalaki. Naka-jeans, tapos nakajacket. Natatakpan ng hood ng jacket yung mukha nya. Okay ang creepy nya talaga. Bakit naman sya nagsosolo sa ganto kadelikadong lugar? Ang dalang lang ng mga dumadaang sasakyan dito tapos dito pa sya umeeksena.


"Weirdo." Yan na lang ang nasabi ko. Kaya nagdire-diretso na lang ako hanggang sa malampasan ko sya. Tumitingin pa rin ako sa kanya sa rearview mirror ng bigla syang mahimatay. Napa-preno tuloy ako ng biglaan! Unti-unti kong inaatras tong car ko papunta sa kanya.


Shet kinakabahan ako. Alam nyo ba yung feeling na hindi mo alam kung tutulungan mo sya or hindi kasi baka mamaya modus sya dyan ng mga nakaw gang o kaya isa syang ligaw na espirito. Tapos yung suot pa nya parang ang mysterious. Baka mamaya wanted pala tong tao na to. Gosh di ko alam kung anong gagawin!


"Okay. Think Ara. Pag di mo tinulungan tong tao na to, baka mamaya makonsensya ka pa dyan. Wag ka na lang muna mang-judge okay? Okay. Teka, teka. Pag naman tumulong ako tapos masamang tao pala sya, baka mapahamak ako. Nako. Delikado. Tsk. Wag na nga lang. Marami pa akong plano sa buhay ko." Kaya nagpatuloy ako sa pagda-drive. Kaso alam mo yung feeling na nakokonsensya ka kasi nakasaksi ka ng isang tao na kelangan ng tulong pero di mo tinulungan? Huhu, yun kasi feeling ko ngayon eh.


"Ugh. Kainis naman. Huhu. Sige na nga. Tutulungan ko na sya. Kung may mangyari mang masama sakin, okay lang, atleast may nagawa akong good deed bago ako mawala sa mundong ibabaw." So nag-three point turn ako pabalik dun sa pwesto nung lalaki kanina. Tsaka ko kinuha yung malaking payong sa back seat at lumabas.


"Kuya? Pst. Kuya?" Kinukulbit ko sya gamit paa ko. Baka mamaya modus nga to at nagpapanggap lang na nahimatay. Pero nung di talaga sya gumalaw, lumuhod nako para i-check sya.


Binaliktad ko sya at hinarap sakin. Hinila hila ko sya papuntang sasakyan ko. Ang bigat naman netong taong to. Tsk. Nabasa na rin ako ng ulan kasi di ko naman sya kayang hilahin ng isang kamay lang diba.


Nilagay ko sya sa back seat. Inupo ko sya dun at binuksan ko yung ilaw tsaka ko sya tiningnan para i-check. Kinakapa kapa ko pa sya kasi baka mamaya may dala tong baril o kaya kutsilyo o ice pick. Una kong chineck yung bulsa ng jeans nya. Cleared. Kasunod yung bulsa ng jacket nya. Cleared. Kasunod yung dibdib nya, aba baka mamaya may bulsa sya dun at dun nya pala tinago no.


'Weh? Talaga Ara? Dibdib may bulsa?? Sino niloko mo? Gusto mo lang mang-chansing! Grabe ka! Walang pinipiling lugar at sitwasyon yang kamanyakan mo ah!'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deaf-MuteWhere stories live. Discover now