Chapter 30

7.5K 105 80
                                    


Papunta na ng airport si Mika, balik muna tayo sa hospital. Bumalik ang Kuya ni Ara sa kwarto at di na naabutan si Mika. Nag aayos siya ng mga gamit dun ng mapansin niyang gumagalaw ang kamay ni Ara.

Kuya: Ara? Ara? *sabay lapit dito* Ara naririning mo ba ko? Ara!

Gumalaw lang kamay ni Ara na animo’y gustong sumagot pero di lang makapagsalita.

Kuya: Saglit lang Ara. Tatawagin ko lang yung nurse ah! Saglit lang kapatid ko. *habang hinahawakan ang kamay ni Ara*

Umalis ang Kuya ni Ara at nagtawag ng nurse.

Ara POV

Aray. Ano to? Gusto ko ng imulat yung mga mata ko pero di ko basta basta magawa. Arayyy. Parang manhid. Pero may naririnig na ko. Si Kuya ba to? Naigagalaw ko na pala ng konti yung mga kamay ko. Ano bang nangyare sakin? ..

Bigla namang may pumasok ng nurse at doctor sa kwarto ni Ara. May mga ginawa lang kay Ara. Chineck ang BP, pulse. Etc.etc.

Pa konti konti kong minulat ang aking mga mata. Sa una masakit. Masydong  maliwanag. Pero balewala na yon ang mahalaga. Nabuksan ko to. Nakita ko  yung mga tao sa paligid ko. Pamilyar sila. Pero. Pero. Nasaan siya? Naririnig ko ang boses ng nanay ko. Ni papa. Natatanaw ko sila. Pero linibot ko na yung mata ko, di ko padin siya nakikita.

Mama: Ara. Anak? *sabay yakap neto kay Ara*

Gusto ko sagutin si Mama. Kaso parang walang lumalabas na boses sa aking bibig. Di ko pa kayang magsalita. Kaya naman nginitian ko na lang siya.

Mama: Anak akala naming di ka na magigising. *sabay pa unti unting tumutulo ang luha*

Hinawakan ni Ara ang mukha ng kanyang ina at pinunasan ang mga luha neto. Agad namang ngumiti ang kanyang ina at tinigil ang pagluha.

Papa: Anak. Salamat sa diyos. *sabay yinakap din neto si Ara ng mahigpit*

Lahat sila sa kwarto ay tuwang tuwa dahil nagising na si Ara. Hindi pa eto alam nila Kim kaya wala pa sila ng mga oras na iyon.

Bakit ganito? Wala ba siya dito? Asan ka?

..

..

..

..

Mika?

Sa airport naman habang naghihintay ng kanilang flight.

Kate: Mika? Ok ka lang ba? Parang namumutla ka eh.

Mika: Ha? Eh oo. Ok lang ako Kate.

Kate: Good. *sabay kiniss si Mika sa cheeks*  Wait. bibili lang ako ng coffee. Gusto mo ba Miks?

Mika: No. wag na.

Kate: Ok sige. *sabay tumayo na si Kate*

Naiwan si Mika magi sang nakaupo dun sa waiting area. Minamasdan lahat ng mga dumadaan.

Mika POV

Lord? Bigyan niyo naman po ako ng sign? Kung itutuloy ko tong pagsama kay Kate. Isang sign lang po. kung ngayon po nagising si Ara. Babalik ako. Hindi na ako sasama. Please.

Pabalik na si Kate at lutang na lutang pa din si Mika.

Kate: Hey. Ok ka lang? ang lalim ng iniisip mo.

The Jelly Baby (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon