Chapter 33 The Comeback

193 4 0
                                    

Chapter 33 The Comeback

Amber’s POV 

“Oh.. My.. GOOOSSSHHHHH!”-Sigaw ni Jesh

“Sabi ko wag kang sumigaw eh!”

“Eh kase naman! Nag-propose na si Jared sayo! My Gosh Ber! OMG!”-Jesh

“Ang OA mo!”

Kinuwento ko kase kay Jesh kung paano nagpropose saken si Jared. Ayun.. mas kinilig pa sya ng bongga saken. Samantalang ako..

Kinilig din xD

Pero.. Ewan.. parang hindi pa talaga ako ready magpakasal.

I mean.. Hello?

Teen palang ako. Next month palang ako mag-e-eighteen. Saka wala pa nga kaming one year ni Jared eh! Parang sobrang bata ko pa sa marriage thing na yan, though yung ibang kabataan ngayon may mga anak na.. Pero ayaw ko naman matulad sa ganun. 

“Hoy! Tulala? Nga-nga?”-Jesh

“Tse!”

“Eh bakit ka kase nakatulala? Kanina pa kita tinatanong kung ano nang mangyayari sa inyo after this? Magpapakasal na talaga kayo? Hoy babae! Hindi pa ako handang maging ninang sa magiging anak mo!”-Jesh

Tiningnan ko sya ng masama..

>_____________________>

“Gaga! Anak agad! Hindi pa nga ako handang magpakasal eh!” Sigaw ko.

“Sorry naman.. Pero pano yan? Eh diba sabi ng parents nyo 2 months after ng announcement ng engagement nyo, ikakasal na kayo?”-Tanong ni Jesh

“Ewan.. Sabi naman ni Jared sya na daw bahala eh.”

“Basta.. Alam mo naman na kahit ganito lang ako minsan. Masasabihan mo parin ako ng mga feelings mo. Hindi na tayo magkaklase next school year pero alam mo naman na basta tawagin mo lang ako kahit may ginagawa akong mas importante pa sa sasabihin mo dadating ako.” Seryosong sabi naman ni Jesh.

“Ang drama mo! Pero wag kang mag-alala, tatandaan ko yan.”

Pagkatapos naming mag-usap ni Jesh ay nag-mall muna kame.

My Gosh, next month na pala ang debut ko at kasabay nun ang announcement ng engagement namen ni Jared -.- 

Bahala na! Kung ano man ang mangyari at maging desisyon ng parents namin, wala na kaming magagawa. Tutal sila naman ang may idea nito eh.

---------------------------------------------

Ely's POV

And I'm back here in the Philippines. Ilang buwan din akong nawala. Pero ngayon, sisiguraduhin kong mababawi ko na talaga si Jared. And I'm working on it. Sigurado akong hindi 'to matatanggihan ni Jared. Matagal na nya tong pinangarap at walang kahit na ano o kahit na sino ang makakapigil sa magiging desisyon nya.

Kahit pa si Amber.

Kaya kung ako sa kanya, lulubusin ko na ang mga araw na sa kanya si Jared.. dahil di magtatagal, magiging akin din sya.

Konting panahon na lang.. mapapasakin din si Jared.

Kung akala ni Amber magpapatalo ako ng ganun ganun nalang, nagkakamali sya.

Matagal kong tiniis na malayo kay Jared noon, pero hindi na ako papayag ngayon. Sisiguruhin kong sya na mismo ang lalayo kay Amber.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Short UD po muna :)))))) Sorry po kung natagalan at medyo lame po ang Chapter na to pero that's how the story goes at sana po maintindihan nyo ^^ Thank you po sa walang sawang pagtyatyaga na basahin ang Story na to :)))) God Bless Everyone ^^

STATUS: EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon